Monday, February 22, 2010

pilipinas kong mahal

passport no. : XX4532588
airline :
tiger airways
flight
no. : TR 2795
bound to: singapore



unang labas ko ng bansa
unang tapak sa banyagang lupa
at dahil medyo pinalad
unang pagkakataon din na sumahod
nang hindi piso ang halaga
maraming karanasang lahat puro una,


masaya ngunit ganun pa man
nakakalungkot isipin
na kaylangan ko pang magpunta dito
para magbanat ng buto at hindi sa sarili kong bayan
na kaylangan pang magpunta dito
ng mga tulad kong si juan dela cruz
para lang makapamuhay ng ganito kakatiwasay
at maibigay ng sapat ang pangangaylangan
ng aming mga mahal sa buhay
nakakalumbay isipin na hindi ganito ang pinas
na kahit saang anggulo mo tignan
walang pagkakatulad
na kahit papaano kong kwentahin
hindi sapat ang sweldong kikitain
para magkaroon ng masaganang buhay
siguro nga mali ako
pero batay sa karanasan ko
yan ang naranasan ko


sobrang layo ang agwat ng pilipinas
na para bang napag-iwanan na tayo
na para bang wala ng pag-asa
na maging ganito din ang bansa natin balang araw
namamangha ako sa mga bagay na nakikita ko dito
kung gaano kalinis, kaligtas at kadisiplinado ang mga tao
dahil hindi ko ito naranasan sa pinas

pero ako pa din ay umaasa
hangga’t hindi pa ganun kalabo ang pag-asa
sana maka-ahon pa ang bansa


ipinagmamalaki kong ako’y dugong pinoy
ngunit ikinalulungkot kong
ganyan ang kalagayan ng aking lupang tinubuan
masakit man sa akin
na ako’y hinubog at natuto sa pinas
ang aking bayang sinilangan
ngunit naglilingkod sa isang banyagang bayan
para lang sa kaunlarang pangako
na hindi ko matatamasa sa pilipinas kong mahal


kung meron lamang sanang giyera
na mapagtatagumpayan sa sariling lupang tinubuan
malamang di ko na kailangan pang lumisan

yan ang isa sa aking mga pangarap
na sana balang araw ay matupad


patawarin mo sana ako aking inang bayan
sa aking paglisan
patawarin mo ako’t ika’y aking pinagtaksilan
ngunit pangako ko AKO’Y babalik upang ika'y paglingkuran

Monday, February 15, 2010

GiYERA

giyera na to
lulusob na ko sa giyerang dapat kong malampasan
dadako na ko sa lugar na ni minsan ay hindi ko pa napuntahan
at lugar na hindi ko pa kilala
wala akong dalang anumang sandata
at wala ding dalang panangga
isa lang ang alam ko
may baon akong malaking utang na loob sa magulang
at isang dibdib na puno ng lakas ng loob
para sa pangarap na gustong matupad

kung meron lamang sanang giyera
na mapagtatagumpayan sa sariling lupang tinubuan
malamang di ko na kailangan pang lumisan
ang kaso wala.,

makamit ko sana ang tagumpay
at mapatunayan kong may mga pangarap ding natutupad