Wednesday, December 14, 2011

bakit eksmasBONUS

minsan naiisip ko
bakit nga kaya kailangang kumidlat
bago kumulog
bakit kailangang tumilaok
ng mga manok sa umaga
bat mas masarap matulog
sa gabi kesa sa araw
bat sa silangan sumisikat ang araw
at hindi sa kanluran
bakit ang dagat maalat
pero ang sapa tubig tabang
samantalang magkadugtong naman sila
bakit minsan may paalam
samantalang di naman talaga
nagkakilala ng lubusan
bakit kailangan madapa muna
bago bumangon
bakit kailangan munang magkamali
bago mo malaman ang tama
bakit laging nasa huli ang pagsisisi
bakit ang presyo tumataas
pero ang sahod istagnant
bakit ang hirap kumita ng pera
pero ang dali namang gumasta
bakit masakit daw ang umibig
pero ang dami namang umiibig
bakit mahirap daw hanapin
ang tunay na kaligayahan
bakit wala akong 13th month pay
bakit wala akong christmas BONUS
bakit
bakit
bakit.,.,.,.,.,., :(

Friday, December 2, 2011

fortats II

love
peace
harmony.,.,.,.,.

there is always HOPE.,

all you need is love

reach the dreams
that your heart desires

Friday, November 18, 2011

just want to make bahagi, pero this is not akin

You are my pay­ong sa malakas na ulan
You are my sun­shine pag ako’y nalu­lum­bay.
You are my asukal sa burong kape
You are my foot­stool so I can see every­where.

You are my matamis na bao sa mainit na pan­desal
You are my masarap na tuyo’t daeng sa mainit na sinan­gag.
You are my ma­lu­tong na chicharon sa maasim na suka
You are my pal­abok sa fi­esta at han­daan.

You own half of my puso
I love you todo-todo.
Noon, now and bukas
Pag-ibig ko’y walang wakas.

The Lord made this hap­pen
Na tayo’y magkasama.
When I count one to ten
I want to make you yakap, mani­wala ka.

This love is for­ever
Ma­hal, we’ll al­ways be to­gether.
Kahit na anong mang­yari
Hindi kita ii­wan, umaga, tang­hali, gabi
I’ll be yours truly anu­mang san­dali.

You are my tu­lay
sa ganda nang buhay
You are my great bless­ing
Thank you sa bi­gay mong sings­ing.

You are my menudo
I am your lumpiang prito
I know you like my adobo
Halina’t kain na tayo.

To­too na ba ito?
Dios ko, wala nang biro
Sala­mat po sa Inyo
In love na in love ako
Sa babaing ito.

Tuesday, November 8, 2011

sadbuttrue

minsan ang akala mong kailangan nila
hindi pala yun yung lubos na magpapaligaya sa kanila
minsan yung totoong kailangan nila
hindi naman pala kayang tumbasan
ng kahit anong bagay
tipong walang kapalit na halaga
minsan kahit anong ibigay mo
hindi pa rin yun sapat
pagkat ang totoong kailangan pala nila
ay yung oras mo
yung panahon mo
yung company mo
minsan ang kailangan lang talaga nila
yung kausap
kakwentuhan
at karamay
yun pala yung totoong nais nila
yun pala yung totoong gusto
ni lolo
ni lola
ni tatay
at lalo na ni nanay., :(

Friday, November 4, 2011

lolo

di man tayo ganun ka-close sa isa't isa
di man tayo gaanong magkakilala
di ko man kayo nakasama ng matagal
at di man nagkakwentuhan ng madalas
nakita ko pa din yung ngiti nyo
nang dalawin ko kayo sa pagamutan
nung isang araw
bago kayo lumisan at tuluyang nagpaalam
kahit na hindi nyo naaalala ang pangalan ko
batid ko namang kilala nyo ang mukha ko
dahil sa ngiting ipinamalas nyo
at luhang dumaloy sa mga mata nyo.,
SALAMAT po LOLO sa lahat.,
mamimiss ko din po kayo.,
kita ng lang po tayo ulit pag andyan na din ako., :(

Thursday, October 27, 2011

kasal-kasal

kuro kuro
sabi sabi
di mo kailangan magpakasal
dahil lang sa tumatanda ka na
di mo kailangan magpakasal
sa dahilang gusto mo lang may makatuwang sa buhay
di mo kailangan magpakasal
dahil sobrang guwapo o maganda siya
di mo kailangang magpakasal
sa dahilang sobrang tagal nyo na
di mo kailangang magpakasal
sa dahilang nabuntis ka
o nakabuntis ka
di mo kailangang magpakasal
para lang magkaroon ng matatawag na ama
ang magiging anak mo.,
isa lang naman ang dahilan
para ikaw ay magpakasal
simple lang.,
.
.
.
.
magpapakasal ka dahil MAHAL mo siya
dahil nagmamahalan kayo.,

Friday, October 7, 2011

san ka tutungo oh pinas

ako ay isinilang sa bayang
kung tawagin ay pinas
lahi daw at angkan ni malakas
pinamumunuan ng mga mambabatas
na ungas
walang inatupag kundi ang manggatas
sila daw ang gumagawa ng batas
batas para sila makaligtas
sa mga kalokohang silang nagbalangkas
kaylan kaya uunlad ang pinas
kaylan makakakita ng maliwanag na landas

kabataan daw ang pag-asa ng bayan
oo, mga nagraragbing kabataan
na sa edukasyon ay pinagkaitan
musmos pa lang lagari na sa lansangan
kahit masama gagawin
may mailaman lang sa tyan

dati daw pinas ang lider sa timog silangan
pero bakit ngayon
para tayong tau-tauhan
pano kung gyerahin tayo
ng tsinang naghahari-harian
sila daw ang may ari ng spratling pinagaawayan
aasa na lang ba tayo sa mga puting
galing sa kanluran
pagka't wala tayong lakas para lumaban

sana naman magising na
ang mga pulitikong gahaman
sana maranasan din nila
kung anong dulot ng kahirapan
yun bang tipong nanginginig
ang buo nilang katawan
dahil sa gutom na nararamdaman

ako'y isang pinoy na nangibambayan
masakit sa akin na dito'y
karununga'y ilaan
ngunit wala namang pagpipilian
upang kaunlara'y aking makamtan

isa din ako sa mga pilipinong
naghahanap ng kasagutan
kung totoo nga ba ang matuwid na daan
kung ang pangarap ay magiging katotohanan
at ang bansang pilipinas ay
makaka-ahon pa sa kahirapan

Wednesday, October 5, 2011

tunay na saya.,

pinanganak tayo sa magkaibang mundo
magkaibang buhay
magkaibang lugar
di natin maiiwasang madami tayong pagkakaiba
maraming hindi pagkakatulad
maraming di pinagkakasunduan
nagkakilala tayo sa kolehiyo
pinagsama tayo sa mahabang panahon
labing dalawang taon para maging eksakto
pero hanggang ngayon di pa din tayo nagkakasundo
kesyo maliit at malaking bagay pinagtatalunan natin
marami kang hindi maintindihan sa akin
marami din akong di maintindihan sayo
marami kang gusto at ayaw sa akin
marami din akong gusto at ayaw sayo
marami pa rin tayong mga bagay na hindi kayang ayusin
mahal kita at mahal mo din naman ako
ngunit sapat ba yun upang makasigurong
magiging masaya tayo sa hinaharap
na magiging mas madali ang buhay kung magiging tayo na
alam ko nahihirapan ka na
alam ko napapagod ka na
alam ko naiinip ka na
alam ko ayaw mo din naman tumanda ng mag-isa
alam ko naubos na ang oras mo sa akin
ngunit ganun din naman ako
hirap at pagod na
di ko nais na ikaw ay saktan
alam kong ganun ka rin naman
di ko nais na makita kang laging lumuluha
ngunit wala akong magawa
sana nga ang ikaw at ako’y maging ganap na TAYO
ngunit nangangamba ako

kung magkakasundo ba talaga tayo
kung magiging masaya ba talaga tayo
kung magiging okay ba talaga tayo
kung mapapanatili ko ba yung mga ngiti sa labi mo
Sana.....

...........

...........
Sana.,....... :(

Monday, September 19, 2011

Thank God I'm a FALCON



The Final Score: In a stunning loss, Adamson clearly won


By MICO HALILI


"I suppose we should try to find something better or worse to shed tears for than a game, no matter how hard it has been played, but perhaps it is not such a bad thing to see that men can cry at all." - Roger Angell


Always almost but not quite.


The pain of trying can reduce even the jockiest of jocks to tears. After losing to FEU last Sunday, after squandering the twice-to-beat advantage, after losing the chance to reach the UAAP Finals, Adamson players sobbed like little kids. It was proof that they lost. It was also proof that they tried. Mightily so.


The paradox of the twice-to-beat advantage is that every team which enjoys it simultaneously fears the twice-to-beat-twice-beaten curse. Once a higher seed drops the first game - the game it can afford to lose, pressure mounts, anxieties take over, and the very advantage a team once enjoyed, the twice-to-beat edge they worked so hard to gain, turns into a cross that often becomes too heavy to bear.


When second seed Adamson lost to third seed FEU last Thursday in the UAAP Final Four, the Falcons became underdogs anew. We all knew this. The advantage gained from a superior record was gone. The high from beating Ateneo faded too quickly. The specter of ending yet another season with yet another disappointing loss became terrifyingly real. Suddenly, FEU had momentum and Adamson had none. Suddenly, FEU looked more poised and Adamson looked exactly like the old Adamson team; destined to go far but just not far enough.


After FEU built a 74-65 lead with just 2:11 left in last Sunday's rubber match, the Falcons were no longer underdogs trying to survive, they were Falcons praying for a miracle. They almost got it. In what will probably be the sequence of the season, Jerick Cañada, one of four graduating Adamson stars, turned into Reggie Miller in the dying minutes. He scored 10 points in a flurry capped by back-to-back three pointers to bring Adamson back from oblivion. In a flash, Adamson became our team. Because we didn't want them to fall short again. Because we felt Cañada's heart pound like a bull stampede. Because we saw Alex Nuyles, even at the risk of being foolishly dubbed "nagkakalat", try to squeeze every last microscopic bit of athleticism from his drained body.


Because we doubted if anyone aside from Leo Austria could have squeezed every microscopic bit of talent from this team.


Because we knew almost but not quite would hurt like hell. In the end, Adamson lost. If they won, the world would have surely rooted for the Falcons against the Ateneo empire. If they won, Adamson would've made for a most compelling story in the Finals. If only. But somehow I feel like they won anyway. Adamson's loss broke hearts but they're not broken. Austria's gritty crew reminded us that winning isn't everything. It just isn't. -GMA News

Wednesday, September 7, 2011

setyembresyetedosmilnuebe



Dalawang taon mula ng ika’y lumisan
Hanggang ngayu’y buhay pa rin sa isipan
Sakit sa damdamin na naranasan
Dulot ng pagkawala mong biglaan

Di man lang tayo nakapagpaalaman
Mga pagkukulang di nahingan ng kapatawaran
Huling halik sayoy di ko man lang nailaan
Kabaitan mo’y di ko rin nasuklian

Hanggang ngayon di kayang sambitin
Salitang paalam ayaw pa ring bigkasin
Pakiramdam ko kasi oras ng pagsasama ay bitin
Bakit kasi si Bro kinuha ka na sa amin

Sa nakalipas na dalawang taong hindi ka namin kapiling
Alam kong andyan ka lang at nagmamasid sa amin
Sana naman minsan sa panaginip ako’y dalawin
Upang pangungulila sayo ay pawiin
At pagmamahal mo’y muli kong damhin

Hinahanap ko lahat ng tungkol sayo
Ang boses mong pinipilit kong manatili sa tenga ko
Ang ngiti mong nais kong masilayan pag pumipikit ako
At ang pagmamahal mong hindi ko ipagpapalit kahit kanino

Mama, sayo’y meron akong ibabalita
Dito na po ako ngayon nagtatrabaho sa Singapura
Sayang at hindi man lang kita naisama
Na alam kong sayo’y lubos na magpapaligaya

Ganun pa man sana lagi ka ng masaya
Pagkat sa amin di mo na kailangan mag-alala
Sana sa kabilang buhay tayo’y muling magkita
Bagkus batid kong hindi ako sa langit mapupunta

Nangungulila na po ako sayo Mama.,

Mahal na mahal kita.,

Monday, April 25, 2011

bangungot

kung ito man ay isang bangungot, malamang ayaw ko nang magising
ano kaya kung pinanganak akong tatay ko si Jaime Augusto Zobel de Ayala,
kaso iba na lang ayoko siya eh, kapuso ako eh hehe.,
si Sir John L. Gokongwei, Jr na lang,
ang may ari ng paborito kong unlimited call and text., ang sun cellular mobile network
ang may pinakamalakas na signal pag umaga pero pag gabi na wala, kasi nga walang araw
at ang broadband na pinakamabilis., pinakamabilis magpainit ng ulo ng gumagamit hehe.,
pero kung siya nga siguro ang butihing ama ko
siguro maning mani lang sa akin yung kotse na golden yellow na Lamborghini Gallardo
o kaya yung pulang pulang ferarri enzo kasing pula ng lipistik ni Pops Fernandez
kering keri ko siguro ipang joyride yung mga ganitong uri ng tsikot
ung mga sasakyang pinangmumumog lang yung 55 pesos kada litrong gasolina
55 pesos na pinagkakasya ng isang pamilyang nakatira sa may payatas bawat araw
yung tipong pamilya na sampung magkakapatid na 11 years old lang ang panganay
na maswerte pa nga kung may 55 pesos sa isang araw.,
teka teka dapat masaya ang bangungot ko., ayoko ng malungkot.,
saglit may bangungot bang Masaya? Hehehe.,
okay balik tayo, Ano kaya ang pangalan ko nun?
siguro Robino, hango sa unibersal robina, o kaya malamang Jack dahil sa jack and jill,
Ceb dahil kami din ang may ari ng Cebu Pacific Air, ang may unique na The dancing pilot,
ay dancing stewardess lang pala,
pero pinaka gusto ko siguro maging pangalan ang SON
hango sa sun cellular., bale SON GOKOngwei ang magiging buong pangalan ko
o diba bongaysius.,. parang pangalan pa lang makapangyarihan na
pwede akong maging super sayan
siguro isandaang pares ang chucks ko
may iphone 4
Ipad 2
samsung galaxy tab
blackberry bold 9700
acer ferrari laptop
ducati bikes
may sariling condo sa may the fort
sariling rest house sa boracay, tagaytay, baguio etc
siguro girlfriend ko si angel locsin, christine reyes o kaya si rhian ramos nyahahahay.,
jun jun GISING GISING..,
toinks.,.,.,. bangungot lang pala hehe., :)

Thursday, April 21, 2011

samba holey

ngayun ang lingo ng pagdiriwang ng mahal na araw
naalala ko tuloy nung bata ako.,
tuwing holy week nagpupunta kami ng tita ko
sa may simbahan sa antipolo kasama ang kuya ko
magsisimba tapos bibili ng kakanin sa labas
suman at duman ung kanin na kulay green
di ko na yun kayang gawin ngaun
sayang kung pwede lang pumunta ng antipolo
mas okay siguro ang bakasyun ko
pumunta ng antipolo church
sa st vincent de paul church
san sebastian church
manaoag church
monasteryo de tarlac
baguio church
paoay church
at ibat ibang simbahan sa pinas
siguro mas magiging holy ang week ko.,
teka teka
marunong ba akong magdrive
may lisensya ba ako
at higit sa lahat may kotse ba ako.,
may bisita iglesia kaya dito?
masubukan nga.,
magpunta ng
bugis church
novena church
st therese church
st michael church
christ the king church etc etc.,
pinoy kaya ang pari,
intsik, malay o indyan
ah,.,., kahit ano pa siya.,
teka
may
duman
at
suman
kaya?

Thursday, April 14, 2011

fortats

LIFE is a lesson you'll learn it when your through

Monday, April 11, 2011

tila walang MAGAWA

labing may nais sabihin

ngunit di kayang bigkasin

salitang dulot ng damdamin

sa isip ay di kayang buo-in

mga letrang naglalaro sa isipan

san ko ba hahagilapin

makabuo ng bagong akda

yan lamang naman

ang tangi kong hangarin

ngunit parang isipan ko'y

kulang sa timing

parang kailangang muling hasain

aklat ni bob ong ay basahin

manunulat na sarili ko'y gisingin

upang oras ko'y di sayangin

pagkat papel na aking sulatin

hanggang ngayo'y blangko pa rin.

Friday, April 8, 2011

alam mo ba?


ALAM MO BA.......

na nung bata ako gusto kong maging piloto

na kotse ang paborito kong laruan

na nailigtas ko yung prinsesa sa super mario brothers

na laro sa nintendo family computer

na kolektor ako ng nba cards

at si penny hardaway ang paborito kong player

na pula ang paboritong kulay ko

pero pag naglalaro kami ng mga kalaro ko

ako si blue 3 sa bioman

kasi si kuya si red 1

na magaling ako sa patintero

na naglaro din ako ng piko, text, jolens etc

na nalunod ako sa sapa

sa likod ng bahay namin nung bata pako

na mahilig ako magbisikleta

na halos may pasta lahat ng ngipin ko

taas at baba na pilak ang kulay

na mahilig ako sa matamis at paboritong ulam ko ang tocino

na labing dalawa ang daliri ko sa paa., hehehe JOKE lang

na first honor ako mula grade 1 hanggang grade 6 tsamba lang

na may mahaba akong peklat sa kanang braso

dahil nahulog ako sa puno ng bayabas at sumabit sa barbwire., ouuuucchhhh.,

na ang paborito kong asignatura ay mathematics

na inuulam ko ang milo o kaya ovaltine nung bata ako

pati na rin ang gatas na powder na may halong asukal

na chickboy daw ako, pero sa totoo lang dalawa lang naman ang naging kasintahan ko

na magaling akong manahi sa makina at hilig ko ito

na mas pinangarap kong maging dentista kesa maging inhinyero

na atis at avocado ang paboritong prutas ko

na isang dosenang beses na siguro ako naholdap

na ang paborito kong manunulat ay si master bob ong

at mahilig ako magbasa kahit medyo hindi halata

na mahilig din akong magsulat ng akda pati na ng tula

na mahilig ako sa kotse ngunit sa kasamaang palad wala akong pambili

na takot akong sumakay ng dyip pati na ng bus lalo na sa gabi

na mahilig ako sa mga chinita at mestizang chekwa

na may tattoo ako sa binti na ang ibig sabihin ay “pagmamahal kay nanay”

at higit sa lahat ALAM MO BA?????

na wala akong magawa dito sa trabaho ngayon kaya ko naisulat ito., hehe.,