Ang Pagtatapos
Anim na taon ang nakaraan
Mula ng pag-aaral ko dito’y simulan
Ngayon nalalapit na ang paglisan
Maraming salamat sa karunungan
Nagsimula ako dito ng konti lang ang kaalaman
Wala pang sariling kakayahan
Ayaw ko pang si nanay sa paaralan ako’y iwanan
Ngunit ngayo’y masasabi kong handa na ako para sa mataas na paaralan
Hindi ko malilimutan ang lahat ng pinagsamahan
Mga kamag-aral na kasama sa lahat ng aralan
Mga kaibigang katuwang at hindi nang-iwan
At ang mga mahal naming gurong hindi nagsawang kami’y turuan
Hindi ko din malilimutan ang lahat ng aking natutunan
Mula sa mga asignaturang aking pinag-aralan
Hanggang sa mga kagandahang asal na aking kinasanayan
Isasapuso ko po ang lahat ng ito, yan po ang inyong asahan
Magulang ko di’y nais kong pasalamatan
At ako’y inyong sinuportahan
Hatid sundo ako ni nanay sa paaralan
Upang masiguro lang ang aking kaligtasan
Si tatay naman nagtiis na magtrabaho sa ibang bayan
Upang masiguro lang ang aking kinabukasan
Ngayong ang pagtatapos ko po’y hindi na kalayuan
Diploma ko po’y sa inyo ilalaan
Si Sir at Mam na nagtyagang kami’y turuan
Nararapat lamang naman na kayo’y aming pasalamatan
Oras nyo’y sa amin inilaan
Kaya’t ang pasalamatan kayo’y aming kagalakan
Ngayong natapos na namin
Ang unang hakbang sa magandang kinabukasan
Nawa’y kayanin namin
Ang mga panibagong hamong aming madadaanan
Pangako po namin na hindi namin kayo bibiguin
Karunungang baon nami’y sa inyo nanggaling
Panangga namin sa kahit ano mang tanong na ibato sa amin
Dahil sa inyo, alam namin lahat ay aming kakayanin
Mga mahal kong kamag-aral
Sana’y mga pangarap nati’y ating abutin
Gaano man yan kahirap ay ating pipilitin
Basta’t pagmamahal ng magulang at guro’y ang ating iisipin
Bago pa man luha’y dumaloy ng lubusan
Dulot ng lungkot at sayang nararamdaman
Nais ko pong inyong lubos na malaman
Ang mga taong taos puso kong pinasasalamatan
Salamat po sa aking kapwa kamag-aral
Salamat po sa mga magulang kong minamahal
Salamat po sa mga guro kong ikinararangal
At higit sa lahat sa punong guro naming walang sawang nangaral
Maligayang pagtatapos po sa ating lahat
Monday, March 5, 2012
Subscribe to:
Posts (Atom)