ano nga ba ang pork barrel?
heto yung milyon milyong allowance
este pondo ni tongresman at senator
tanggalin ang pork barrel
ilang beses ko na narinig yan
ang tanong eh,
maisasakatuparan pa kaya yan
bomalabs yata pare.,.,
pag tinanggal mo ang pork barrel
siguro dun mo malalaman
kung sino talaga ang mga pulitikong
may tunay na pagmamalasakit sa bayan
sa mga kinagisnan kong
mga honorable na kawatan
dalawa lang ang kilala kong
hindi tumatanggap ng pork barrel
si dirty harry ng maynila,
mayor alfredo lim
at ang ex pnp chief
ping lacson
kayo na magpasya
kung may malasakit nga sila sa bayan.,.,
isa lang din ang kilala kong pangulo
na nangahas na tanggalin ang pork barrel
ang resulta, siya ang tinanggal
yan ay si erap
bilib ako sa lakas ng loob nya dre....
hehehe
kung di ba naman siya kalahating tanga
iuutos mong ipasa ng mga buwayang mambabatas
ang isang batas na magtatanggal
sa perang kukurakutin nila este pondo nila
o di ba parang niluto mo sila sa sarili nilang mantika...
pag natanggal ang pork barrel
malamang beynte katao ang tumatakbong mayor
sa bawat munisipalidad
treynta ang tumatakbong gobernador
sa bawat lalawigan
samakatuwid malamang
hindi mapuno ang beynte quatrong posisyon sa senado
oo nga naman, anong mapapala mo
congratulations
nanalo ka ng isandaang sako ng kropek
at wala kang pork barrel wahehehe
malamang hindi naghangad maging senador
si intern nancy binay
at malamang hindi natutong magplagiarize
si tito sen
sabagay ok lang yan
ang importante ay yung mahalaga
at ang mahalaga hindi tayo nagdadrugs.,,
toink ang layo yata.....
gutom na ako.,
kala ko kasi pagkain ang pork barrel
ang haba kasi ng pila sa lintik na jollibee na ito....
dagdagan na kasi yung branch hayup.....,
sa mcdo na nga lang ako.,., huhuhu.,., :(