sabik na ang lahat sa inaabangang bagong taon
nangangarap ng bagong pag-asa
sa bagong hinaharap
nagnanais ng bagong simula
kalimutan ang mga masasamang alala
mga luhang hindi na maibabalik pa
buuin ang mga bagong pangarap
humingi ng tawad sa kaaway
at magpatawad sa nagkasala
magpursigi sa hinaharap
di man tayo pinalad sa taong nagdaan
sana ang bagong taon ay maging masagana.,.,
Maligayang Bagong Taon.,., c",)
Wednesday, December 31, 2014
Subscribe to:
Posts (Atom)