Wednesday, September 5, 2012

randomTOWTS

tagal ng uwian
...
tomjones nako
...
gusto kong kumain sa jollibee
...
yung fitsmangofai
...
tsaka jollibee cheeseburger
...
miss ko na ang pinas
...
miss ko na yung kapatid ko
...
miss ko na din yung tatay ko
...
pati yung motor ko
...
miss ko na syang sakyan
...
at iharurot sa daan
...
gusto ko pumunta ng SM north
...
gusto ko din pumunta ng greenhillls
...
gusto ko kumain ng fishball tsaka kikiam
...
gusto ko matulog sa bahay namin sa espanya
...
namiss ko na din dalawin si mama
...
gusto ko mag-alay ng kandila sa kanya
pati na rin bulaklak
...
namiss ko na din mga kaibigan ko
...
mga klasmeyt nung high school
...
at mga nakaraang kasamahan sa trabaho
...
gusto ko sila makasalo sa kainan
...
namiss ko yung lasa ng totoong tocino
...
tsaka yung lechon manok sa andoks
...
gusto ko din manood ng basketball sa araneta
...
tagal ko ng hindi nakakapanood nun eh
...
sana makapag joyride din ako papuntang ilocos o kaya sa bicol
...
sa tingin ko OMSIK nako.,.,
...
siguro nga....................

tagal ng 05:30..,.,....


Monday, April 16, 2012

ang mamatay ng dahil sayo



yan ang sabi ni congressman pacman
yan din ang isa sa letra ng pambansang awit natin.,
pero matanong ko lang ikaw kaya gagawin mo pa din yan
ang ialay ang buhay mo para sa inang bayan
na nagbigay sayo ng pagkakakilanlan
ang maging isang pilipino
sa isip, sa salita at sa gawa
di kaya tinatakwil mo na ang pagiging pilipino
di kaya nasusuklam ka nang sabihing ikaw ay pilipino
ng maranasan mo ang hirap ng buhay sa pinas
ng minsang tumira ka sa payatas
ng maranasan mong maholdap sa may recto
o kaya madukutan habang bumibyahe ka sa LRT
o makuhaan ng cellphone habang standing at siksikan sa bus
ng kinotongan ka ni mamang pulis
kahit na alam mong wala ka namang nilabag na batas
ng minsang mabugbog ka ng mga nagiinuman sa may kanto
ng minsang singitan ka ni manong sa mahabang pila
ng minsang hindi ka na sinuklian ni mamang tsuper ng dyip
ng minsang si manong taxi driver eh pina-ikot ikot ang ruta mo
para lang madagdagan ang patak ng metro nya
o di kaya naman eh mas malala ginamitan ka pa ng batingting
ng sinuklian ka ni aleng tindera ng pekeng pera
ng masubukan mong magbigay ng limos sa batang paslit
sabay sinabihan ka pa ng “ito lang, ang kuripot mo naman”
o kaya pagtalikod mo eh nakipag kara kruz lang.,
ng minsang tawagin kang terorista, pokpok o kaya naman eh alila
ng katrabaho mong banyaga dahil ikaw ay isang pinoy.,
teka.,
teka.,.
kaya mo pa kayang sabihin ito.,
“ang MAMATAY ng dahil SAYO”

Monday, March 5, 2012

ang pagtatapos (efren kid assign 2)

Ang Pagtatapos

Anim na taon ang nakaraan
Mula ng pag-aaral ko dito’y simulan
Ngayon nalalapit na ang paglisan
Maraming salamat sa karunungan

Nagsimula ako dito ng konti lang ang kaalaman
Wala pang sariling kakayahan
Ayaw ko pang si nanay sa paaralan ako’y iwanan
Ngunit ngayo’y masasabi kong handa na ako para sa mataas na paaralan

Hindi ko malilimutan ang lahat ng pinagsamahan
Mga kamag-aral na kasama sa lahat ng aralan
Mga kaibigang katuwang at hindi nang-iwan
At ang mga mahal naming gurong hindi nagsawang kami’y turuan

Hindi ko din malilimutan ang lahat ng aking natutunan
Mula sa mga asignaturang aking pinag-aralan
Hanggang sa mga kagandahang asal na aking kinasanayan
Isasapuso ko po ang lahat ng ito, yan po ang inyong asahan

Magulang ko di’y nais kong pasalamatan
At ako’y inyong sinuportahan
Hatid sundo ako ni nanay sa paaralan
Upang masiguro lang ang aking kaligtasan

Si tatay naman nagtiis na magtrabaho sa ibang bayan
Upang masiguro lang ang aking kinabukasan
Ngayong ang pagtatapos ko po’y hindi na kalayuan
Diploma ko po’y sa inyo ilalaan

Si Sir at Mam na nagtyagang kami’y turuan
Nararapat lamang naman na kayo’y aming pasalamatan
Oras nyo’y sa amin inilaan
Kaya’t ang pasalamatan kayo’y aming kagalakan

Ngayong natapos na namin
Ang unang hakbang sa magandang kinabukasan
Nawa’y kayanin namin
Ang mga panibagong hamong aming madadaanan

Pangako po namin na hindi namin kayo bibiguin
Karunungang baon nami’y sa inyo nanggaling
Panangga namin sa kahit ano mang tanong na ibato sa amin
Dahil sa inyo, alam namin lahat ay aming kakayanin

Mga mahal kong kamag-aral
Sana’y mga pangarap nati’y ating abutin
Gaano man yan kahirap ay ating pipilitin
Basta’t pagmamahal ng magulang at guro’y ang ating iisipin

Bago pa man luha’y dumaloy ng lubusan
Dulot ng lungkot at sayang nararamdaman
Nais ko pong inyong lubos na malaman
Ang mga taong taos puso kong pinasasalamatan

Salamat po sa aking kapwa kamag-aral
Salamat po sa mga magulang kong minamahal
Salamat po sa mga guro kong ikinararangal
At higit sa lahat sa punong guro naming walang sawang nangaral

Maligayang pagtatapos po sa ating lahat

Wednesday, February 29, 2012

can't-ser

takbong mabilis
dapa sa damuhan
bukas mga kamay
tingin sa langit
hingang malalim
lunok na may kaba

kapa sa dibdib
sabay tanong sa SARILI
.

.
.
.
.
KANSER ka ba?
para mapaghandaan kita,.,.,

Tuesday, February 14, 2012

deymBEGS.,.,

why girls so DEYM
inlove with bagssss..,.,
and why sooo expensive bags
gucci
louis vuitton
coach
elle
burberry
hermes
l0ngchamp
why.,., why.,.,
anong fulfillment?
sabagay......,
gusto ko ng LV na wallet
for myself hihihi.,

Monday, February 13, 2012

dalawangYEARS

This DAY marks exactly the second year
since I started to miss everything
about my beloved
PHILIPPINES.,.,

bilis ng takbo ng buhay.,.,

Monday, February 6, 2012

CAP-E with Hey-Sell-Knot



habang nakasakay ng bus
pauwi kanina galing sa pagbabanat ng buto
bigla lang sumagi sa isipan ko
isang buhay lang meron tayo
ika nga sa kapampangan METUNG
sa english ONE
sa espanyol UNO
di tayo katulad ni Super Mario
na may 100 lives
di tulad ni Felix may siyam na buhay
tayo isa lang
sabi nga pag nagpabaya ka
at namatay ka
ibig lang sabihin GAME OVER na
kaya't sana habang buhay pa tayo
mamuhay tayo ng makabuluhan
yung tipong lagi tayong nakakapagpasaya ng iba

ang buhay di naman dapat magarbo
dapat yung simple lang
yung ka-aya aya lang
lahat naman daw kasi ng sobra masama
parang sa timpla ng KAPE
kapag matapang, mapait
pero kapag kulang sa kape o kulang sa asukal
walang lasa
walang kabuhay buhay
walang kakulay kulay.,