MAY HALAGA DIN ANG PERA
dati galit na galit ako sa mga taong kuripot.,
yung mga taong parang sinasamba ang pera.
mga taong kulang na lang ilibre mo na
para lang mayaya mong kumain sa masarap na kainan.
manood sa sinehan, at gumimik paminsan-minsan.
yung tipong ayaw talagang mabawasan kahit piso
ang sahod na pinag-paguran,
tipong makikipag away pa sa driver ng dyip
kapag kulang ang isinukli sa kanya
miski isang barya,..,.
kumukunot ang noo ko pag may ganyang sitwasyon
kahit na alam kong may punto naman talaga
ang pasahero.
masasabi kong hindi ako tulad nila
sa tingin ko nga nabibilang ako
sa klase ng tao na tinatawag nilang
“galit sa pera” isang tao na ayaw patagalin
ang hawak na pera sa kamay.
basta meron, hala sige gasta.,.,
naisip ko nga ung isang kasamahan ko sa trabaho
kinukumbinse ko kasi siya na bumili ng isang bagay
na kung tutuusin kayang kaya nya naman bilhin
pero isa lang ang sinabi nya sa akin
na hindi nya daw kailangan ung bagay na yun
pagkat ang perang naitabi nya
ay paghahanda daw para sa bukas
“BUKAS” na itinanong ko sa sarili ko
kung bat hindi ko naiisip
bukas na kailangan ay pinaghahandaan ko rin
naawa ako bigla sa sarili ko
dahil wala pa akong nararating
wala pang nagawa at naipon
na pwede ko sanang ipagmalaki
nakakainggit sila dahil
hindi ko sila katulad
hindi ako isang super hero
na may kapangyarihan
sa paghawak ng pera
iba nga siguro ang kuripot sa matipid
iba ang madamot sa marunong humawak ng pera
sa masinop, sa marunong maghanda at magtabi
ng para bukas
siguro kung natuto lang akong magtipid
at gumasta ng pera ng ayon sa pangangailangan lang
siguro may ipon na din ako ngayon
may nakalaan na para sa kinabukasan ko
at magiging pamilya ko
kaso ang nakakalungkot isipin
sa ngayon
marami akong ipon
at nakakahiya mang aminin
“ipon na utang”