Monday, October 26, 2009

pila-pila


ang buhay ay isang pila

lahat na lang puro pila

pila sa pagpapatala sa pasukan sa eskwela

pila sa pagbabayad sa kuryenteng ginasta

pila sa pagsakay sa pampasaherong bus, tren, eroplano at bangka

pila sa pag-akyat sa entablado para makuha ang pinaghirapang diploma

pag naghanap ka ng mapapasukang trabaho

isa ka sa mga nakapilang pinagpipilian

ang mga mahihirap pumipila

sa bilihan ng murang bigas na handog daw ni gloria

ang mga umaasa sa swerte pumipila

sa tayaan ng lotto at kabayong kumakarera


pati kaya sa pag-abot ng pangarap may pila pa din?

kaylan kaya darating yung panahon

na aabot ako sa harapan ng pila

at matutupad ang aking mga pangarap

hindi pa kaya ngayon ung panahon na yun?

mangyayari pa kaya yun?

mahahantay ko pa kaya yun

o unti unti na akong susuko

bibigay at makukuntento na lang

kung anong meron ako.,

saglit, ano nga bang meron ako ngayon?

1 comment:

  1. meron kang psp, ako wala
    meron kang motor, ako wala
    meron kang passport, ako wala

    hehehe..oo adik n nman ako!

    seriosuly, meron kang pinag-aralan, meron kang karanasan, meron ka pang bukas, meron ka pang panahon, meron kang mga kaibigan, meron ka pang mga kapatid at papa, mga kamag-anak na handang tumulong at dumamay sa yo..
    at ngayon, may pagkakataon ka na abutin ang pangarap mo sa iyong paglipad palabas ng Pinas.

    meron ka pang buhay na dapat pangalagaan at dahil meron ka nun sana lagi ka ring merong pag-asa, minsan yun lang makakakilos ka na at uusad sa pila..at sa palagay ko minsan hindi mo naman kailangan mauna..mas mahalaga na ang pinipilahan mo ay umaandar at may pinupuntahan..

    at isa pa pala, minsan kasi mali ang pinipilahan ng mga tao tulad ng mga tao na pumipila sa pagtaya sa kerera o lotto o sa patuloy na pag-asa sa mga namamahala. Minsan baka sa kabila ka pala dapat pumila...

    Happy vaccation po sir!

    ReplyDelete