kala ko okay na ako
hindi pa pala
lampas apat na buwan na
nang mawala ang mama
pero mahirap pa din tanggapin
ang hirap pa rin magpatuloy
pumirmi ako sa silid niya kagabi
naghalungkat sa mga gamit nya
mga damit na madalas niyang suotin
mga pabangong paborito niyang gamitin
nakabasa din ako ng mga sulat kamay niya
mga pirmang nilikha sa ibat ibang papeles
na-miss ko yung pagtatanong nya sa akin minsan
kung tama ba ang pwesto ng pirma nya
tumulo bigla ang luha ko
tuloy tuloy na may halong hapdi sa puso
naisip ko ang mga paghihirap ni mama para sa amin
mga paghihirap na hindi ko man lang nasuklian
ang dami kong utang sa kanya na dapat bayaran
ang daming pabor na gusto kong ibalik
masakit pala talaga yung ganito
ang natitira na lang sa akin
ay ang mga huling bagay na narinig at nakita ko sa kanya
mga huling salitang narinig kong binigkas nya
ang tunog ng boses nya na ayaw kong mawala sa pandinig ko
ang huling ngiti na nasilayan ko
na ayaw kong mabura sa isipan ko
bakit kasi isa lang ang buhay ng tao
bakit bigla na lang kinuha ang buhay na pinahiram
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment