Monday, September 30, 2013

woowooooot.,., Mr SEXY...

di na ako nagtaka
ng sabihin ng unggoy na si jinggoy na
"kung sinong malinis
at walang bahid ng kasalanan
ay siyang maunang bumato sa taong ito"
at wala man lang talagang
nagtangkang BUMATO

Mr Senator,
hindi ba labis na pambabastos naman sayo
kung tatawagin kitang
KAGALANG GALANG.,.,.,

nakaka-awa ang bayan ni juan
imbes na tayong lahat
ay masagana na ang buhay ngayon
at walang naghihirap
sinolo nyo po ang kaunlaran
ng dahil sa inyong kasakiman
at sobrang pagmamahal sa sarili
inangkin nyo lahat
di ba pwedeng naging masaya na kayo
sa pagiging mayaman
bakit kinaylangan nyo pang maghangad
na maging higit na mayaman
o kayay pinakamayaman

mahal na pangulo
saan na po ba tayo dadalhin
ng matuwid na daan
bakit parang lumiliku-liku na po tayo
di kaya hindi nyo rin po kayang maunang BUMATO

kailangan ko pa bang maranasan
kung gaano kahirap mabuhay
sa mga bansang tulad ng Congo at Somalia
at ng pagbalik ko ng pinas ay magpagtanto kong
napakapalad ko pala't akoy isang pilipino't
may mas maayos akong buhay sa pinas
di ba masyadong nakakahiya yun sa inyo
na makuntento ang pinoy
sa buhay na meron sila't
ipinagpapasalamat pa nila ito sa inyo
hindi ba sobrang paggalang naman po yun sa inyo
mga luklok na kalahi ni Lolong
na malamang, maging siya ay itinatakwil din kayo
di ba nakakahiya sa inyo
na tanggapin ng bawat pilipino
ang bulok na sistemang pinagpasa-pasahan
ng bawat myembro ng pamilya nyo
di ba nakakahiya sa inyo
na umasa na lang lagi ang pinoy
sa mga matatamis na pangakong
sinasambit nyo sa kanila
tuwing sasapit ang eleksyon

nakalimutan nyo na po ba
kung bakit kayo inihalal ng taumbayan
kailangan pa bang isaksak sa makikitid nyong kukote
na ibinoto po kayo para maglingkod sa bayan
o sadyang utak biya ho kayo

ang sabi nila
"ang pagbabago daw ay umpisahan sa sarili"
may epekto po ba talaga yun
kung babaguhin ko ang sarili ko
may magbabago po kaya sa pilipinas
di kaya nakabaon na ako sa ilalim ng lupa
at wala paring maging pagbabago
hindi kaya ilusyon lang yun at suntok sa buwan
di kaya may magbabago lang
pag pumuti na ang uwak.............

Friday, September 27, 2013

alyas POOH-gi...

napakarami nating likas na yaman
pero nananatiling hindi tayo mayaman
magaling ang mga pinoy
maabilidad, ngunit bakit parang wala pading patutunguhan
napakarami nating palayan
ngunit bakit tila di sapat ang pagkain
sa hapag kainan
kalbo na ba ang ating kagubatan
bakit ang iba'y wala man lang sariling
tahanang masisilungan

napakalaki ng buwis na kinakaltas
ngunit bakit binabalik nila sa atin ay salat
tila tayo ang nag-iimpok
pero sila ang yumayaman
bigay tayo ng bigay
pero sa bulsa lang pala nila nilalagay

ilang barkong pandigma sana ang meron tayo
ilang eroplanong panlaban sa gyera
malamang marami din tayong sariling submarino
di sana'y di tayo kinakayan kayanan
ng mga singkit sa hilaga

wala sanang pilipinong walang tahanan
wala sanang nagugutom sa lansangan
lahat sana ng bata ay nasa paaralan
wala sanang pilipinong nangingibambayan
sa ibang lipi'y hindi sana tayo nangangamuhan

eh ang kaso napunta lahay kay
MANDA RAMon BONG

ang kaban ng bayan
ay para sa bawat mamamayang pilipino
ang kaban ng bayan ay hindi para sa iilan lang
masyado ka namang ganid Mr Senator
ang gusto mo naman
NESE YO NE ENG LEHET...,.,.,..