Friday, September 27, 2013

alyas POOH-gi...

napakarami nating likas na yaman
pero nananatiling hindi tayo mayaman
magaling ang mga pinoy
maabilidad, ngunit bakit parang wala pading patutunguhan
napakarami nating palayan
ngunit bakit tila di sapat ang pagkain
sa hapag kainan
kalbo na ba ang ating kagubatan
bakit ang iba'y wala man lang sariling
tahanang masisilungan

napakalaki ng buwis na kinakaltas
ngunit bakit binabalik nila sa atin ay salat
tila tayo ang nag-iimpok
pero sila ang yumayaman
bigay tayo ng bigay
pero sa bulsa lang pala nila nilalagay

ilang barkong pandigma sana ang meron tayo
ilang eroplanong panlaban sa gyera
malamang marami din tayong sariling submarino
di sana'y di tayo kinakayan kayanan
ng mga singkit sa hilaga

wala sanang pilipinong walang tahanan
wala sanang nagugutom sa lansangan
lahat sana ng bata ay nasa paaralan
wala sanang pilipinong nangingibambayan
sa ibang lipi'y hindi sana tayo nangangamuhan

eh ang kaso napunta lahay kay
MANDA RAMon BONG

ang kaban ng bayan
ay para sa bawat mamamayang pilipino
ang kaban ng bayan ay hindi para sa iilan lang
masyado ka namang ganid Mr Senator
ang gusto mo naman
NESE YO NE ENG LEHET...,.,.,..

No comments:

Post a Comment