Wednesday, March 8, 2017

aliping robot


kahit isang umaga lang
ibaba mo ang telepono
sosyal midya ay tigilan
kalimutan mo si peysbuk o instagram
puro basurang babasahin
pinupuno ang utak na malalim
damhin ang simoy ng hangin
sikat ni haring araw ay salubungin
kapaligiran ay pagmasdan
i-enjoy ang marikit na mukha ni ateng
kasabay mo sa sasakyan
buhay na normal ay balikan
mga suliranin ay kalimutan
pagiging tao ay pagbigyan
kahit ngayon lang naman
tiyak feeling mo ay gagaan.,.,,.

No comments:

Post a Comment