minsan nahuhuli ko ang sariling nakangiti,
malayo ang tingin, malalim ang iniisip,
pasensya na, sana maintindihan mo,
gusto lang kitang makasama lagi
magpapasko na ang simoy ng hangin
ayaw kong ako ay lisanin
ngayon pa, na ikaw ay hinahagkan
huwag na sanang ako’y iwanan
minsan nga siguro strikto ako
minsan nga matigas ang ulo ko
ngunit sana maisip mo din
kabutihan mo lamang ang tangi kong hangarin
patawarin mo sana ako
kung luha’y dumadaloy sa mga mata mo
sana’y bisig ko ay sandalan mo
upang sama ng loob mo’y mapawi ko
tuwing luha mo’y nakikita ko
di mo lang alam puso ko’y nagdurugo
bigyan mo sana ng pagkakataong muli
upang sa mga pagkukulang ay makabawi
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment