Tuesday, September 18, 2012

panahon ng mga EPAL


ayon sa surbey (surbey lang naman)
ang maynila ang may pinakapangit na imahe
sa lahat ng mga lungsod sa mga bansang asyano
boom.,.,
tae.,..
putik.,,
takte.,.
lintik.,
pisti.,
pambihira.,.,
hayup.,
tang-&$@..,.,

umasa ako.,, sana sa surbey lang
sinearch ko sa GUGOL image.,
manila…………..,,
langya,., ang pangit nga.,.,
hindi lang pala sa surbey
kundi pati sa totoong layp

nanlilimahid.,
bumabaha.,
may kotong cops.,
iskwater dito, iskwater dyan,
kurakot dito, kurakot dyan.
ang dapat na limang minutong byahe
nagiging 100years dahil sa buhol buhol na trapik.,.
kahit saan pwedeng sumakay
kahit saan pwedeng magbaba
walang sistema……
daming isnatcher at holdaper
mga hayup na holdaper (MAMATAY na kayung lahat)

Di ko na tuloy maawit yung musikang pinasikat ng HOTDOG
Hinahanap hanap kita Manila
Ang ingay mong kay sarap sa tenga
Mga jeepney mong nagliliparan
Mga babae mong naggagandahan
Take me back in your arms Manila
And promise me you never let go
Promise me you’ll never let go

“I love the Philippines and want Filipinos to have a better life.
But I don't expect Manila to improve in any measurable way in my lifetime without a serious, revolutionary change in governance” – Freddie (US national who love the Philippines) hehehe., kinowt ko ha, baka matulad ako kay Tito Sen wahehehe.,.,

ngunit, subalit datapwat, watawat kulelat.,
at dahil….
ang Maynila ang sentro ng mga kawatan este kalakalan
at ang masasabing kabisera ng ating inang bayan
parang ito na rin ang sumasalamin sa mahigit pitong libong
isla at kapuluan na bumubuo sa buong pilipinas

sana po sa mga panahong tulad ngayon,
isipin natin ang kalagayan ng pinas
dahil po…………
panahon na naman ng mga TRAPO
mga pulitikong ma-EPAL
na walang ibang alam kundi ang magpayaman
padamihan ng kayamanan na ninanakaw
sa kaban ng BAYAN
sana naman matuto na tayong mga kapwa ko noypi
sana naman gamitin natin yung kapurit nating utak
sa pagpili kung sino yung buwayang palalamunin natin
este politikong iboboto natin
sana naman iluklok natin yung mga totoong may malasakit
yung mga totoong may pagmamahal sa bayan
ayyy, teka teka may pagpipilian ba?
heto pala dapat.,.,.
sana po may tumakbong KARAPAT-DAPAT.,.,

kawawa naman ang pinas
kawawa naman ang mga pinoy
masakit man lunukin
mahirap man tanggapin.,.,
awwwttssssss
haaanggsaklaaaappp.,.,
pero batid kong yan pa rin
ang KATOTOHANANG
kelangan nating harapin. ;(

No comments:

Post a Comment