o bakit hindi
tatawa na lamang
sinong di mababaliw
sumayaw sa ulan
bagong segunda manong kotse
ngalan green mamba
isang gatang na bonus
ang kasalang natupad din sa wakas
stock na naibenta
ng higit sa inaasahan
promosyong kay tagal hinintay
negosyong sana matupad
oh taong dalawang libot labing apat
napakabuti mo sa akin
gayunpaman
nais ko na talagang umuwi
sa aking inang bayan.,.,,.,.,.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment