Friday, October 31, 2014

alam na-THIS

tila inosente kung manalita
walang kalokohang ginagawa
bawat katagang binibigkas
mga mababangong salita
pumupukaw sa damdamin ng madla
ngunit sa likod ng tabing
yun pala'y kasinugalingan lahat
pansariling kapakanan ang hangad
pinakamataas na kapangyarihan lang dapat

wag sanang mabulag
sa pantawid na inihain
isang araw na karangyaan
kahirapang habambuhay ang hatid
sa masa ang dating
sing bangis ni balawis
mata ipipikit
ititikom ang bibig

mga paratang na pinupukol
tila bullet proof sa kahihiyan
sakim sa kaban ng bayan
ganid na walang alinlangan

wag naman sana
wag naman sana
kundi sa kangkungan tayo madadala

#noTOnognog2016

No comments:

Post a Comment