bat ang Pinas habang tumatagal
parang lalong nagiging hopeless
ung pila sa MRT ung dating hanggang hagdan lang
ngayon tila aabot hanggang impyerno na
para makasakay matinding pasencya ang kailangan
parang traffic na walang katapusan
kabi-kabila ang patayan
nakawan, at holdapan
ultimong paslit na nagtitinda ng pandesal
pinatos pa., dalawang daang piso.,
walastik walang patawad.,
ganun na ba tayo kahirap
at kayang sikmurain ung ganung kasamaan
lahat ng pulitiko at namumuno
kanya kanyang diskarte sa pagnanakaw
parang yung ordinaryong mansyon ni PURIsima
di nyo man lang kami tinirhan
di nyo ba kami naiisip
tumingkayad naman kayo baka sakaling masilip nyo kami
hindi ba talaga kaya yung sinasabing matuwid na daan
parang yung dating hindi ligtas.,
ngayon talagang hindi na
paliparang walang cctv
proyektong pinopondohan
pero hindi naman pala isinasakatuparan
di na ba tayo aagos?
di na ba tayo susulong?
sa balita pag may naholdap
ang sagot ng kapulisan
mag-ingat po tayo lalo na ngayon at magpapasko
di ba dapat ang sinasabi nyo
eh kung paano susugpuin ang mga kawatan
at hindi lang mag-ingat, mag-ingat
tila ba ibig sabihin eh madami na po sila
at hindi namin kayo kayang protektahan
mag-ingat po kayo dahil wala po kaming kwenta
bigyan ng jacket.......
parang wala ng kapaga-pag-asa
tila Lakers lang na walang MAMBA
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment