Thursday, June 30, 2016

duTERte ang panunumpa.,.,

handa ka na ba sa pagbabag0
kaya mo bang disiplinahin sarili mo
hindi ka na pwede magyosi sa pampublikong pook
o gusto mong ngumuya ng sigarilyo
ako swak na swak
dahil matagal na akong smoke free pare.,.,
wala na akong kailangang isakripisyo...
eh ang tambutso ng motor mo
o kaya ng auto mo
kaya mong ibalik sa stock
boring na pero para sa pagbabago
dun tayo, yun ang kool ngayon tol
dahil ipagbabawal na ang maingay na tambutso...
dika na din pwede magk0nsyerto sa gabi
gamit ang basag mong bidyoke
kayat sagarin mo na yung kanta mong pasigaw sa umaga
toma toma sa kanto at walang baro
aba'y tiisin mo ang panahon kahit mainit
magpakalasing kana bago mag ala-una
tiyakin mo lang na di ka gagapang sa kalsada
kundi bagansya ka.,.,
tumawid sa tamang tawiran
sumakay sa tamang sakayan
huwag kang maglalagay sa mga opisyal
dahil malamang takot na din sila
wag magtapon ng basura kahit saan
wag dumagdag sa problema ng bayan
simulan natin sa sarili
para sa tunay na pagbabago kaibigan
pangako?
sumpa man? sabay ka na kay Duts pare.....

No comments:

Post a Comment