dahil si duterte naman ang nanalo
at umaasa akong magiging ligtas
na maglakad sa kamaynilaan
tila nais ko ng umuwi.,
para malasap kong muli
kung gaano kasarap mamuhay
sa bansang Pilipinas
isinisigaw ng puso ko.,.,
"uwi na uwi na dun ka naman talaga
makakaramdam ng totoong kasiyahan eh"
kaso iba naman ang dinidikta ng utak ko.,.,
"alalahanin mo tatlo na kayo ngayon
di ka na pwedeng magdesisyon ng pansarili lang
kailangan mong magsikap para sa kinabukasan nyo
kailangan mong gumawa ng paraan
para magkakasama kayo
habang inaabot ang mga pangarap nyo
habang pinaghahandaan ang magandang bukas para kay Oonah"
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment