Showing posts with label lungkot. Show all posts
Showing posts with label lungkot. Show all posts

Thursday, June 16, 2016

uuwi.,,.,

dahil si duterte naman ang nanalo
at umaasa akong magiging ligtas
na maglakad sa kamaynilaan
tila nais ko ng umuwi.,
para malasap kong muli 
kung gaano kasarap mamuhay 
sa bansang Pilipinas

isinisigaw ng puso ko.,.,
"uwi na uwi na dun ka naman talaga 
makakaramdam ng totoong kasiyahan eh"

kaso iba naman ang dinidikta ng utak ko.,.,
"alalahanin mo tatlo na kayo ngayon
di ka na pwedeng magdesisyon ng pansarili lang
kailangan mong magsikap para sa kinabukasan nyo
kailangan mong gumawa ng paraan
para magkakasama kayo 
habang inaabot ang mga pangarap nyo
habang pinaghahandaan ang magandang bukas para kay Oonah"


Tuesday, June 14, 2016

kalayaan.,.,.,

kalayaang ipinagdiriwang
kalayaang tila di ramdam
kalayaan mula sa kahirapan
kalayaang makasama ang mahal sa buhay
kalayaang kumita ng ayon sa kagustuhan
kalayaang mamuhay sa lupang sinilangan
ng walang pagiimbot at pag aalinlangan
tila hindi pa rin tayo ganap na malaya
tila madami pa rin ang nakakulong sa kalungkutan
mga kamay at paay nakabigkis at sunud sunuran
marami pa ring alipin sa mga bansang dayuhan.,,
kailan kaya lubusang lalaya
nais lang nama'y mamuhay ng masagana
kasama ng pamilya sa tinubuang lupa.........
 

Monday, May 26, 2014

hiling sa buhay

mamuhay sa pilipinas
ng matiwasay
yan lamang naman
ang tanging hiling sa buhay

di namin ninais
na dito magahanap buhay
ginhawang tamasa'y
kapalit nama'y
pighati't lumbay

yan ba, yan ba ang kalayaang
ipinaglaban ni Ka Andres
yan ba ang isinasagisag
ng bantayog ni Rizal sa luneta

ilang pangulo na ba
ang nagpapalit palit
ngunit hanggang ngayo'y
wala paring ginhawang hatid

mamuhay ng hikahos
ngunit magkakasama
o magkakahiwalay
ngunit masagana

ako siguro ay nalolongkot lang
nalolombay at walang makausap
homesick lang ba
siguro sadyang
miss ko lang si mamba.,.,.,...,.,

Thursday, October 24, 2013

nais

para syang tulang
gawa ng isang makata
para syang larawang
naglalahad ng kanta
bagay na makinis
kasing kinis ng kamatis
sing tamis ng asukal
hanggang sa huling butil
para syang sipol
na nagmumula sa hangin
isang perlas
sa dagat na malalim
para syang panaginip
na di mo nanaising gumising
isa syang pangarap
na mahirap abutin
nais mo siyang pasayahin
ngunit ayaw mo syang mabitin
ikaliligaya nya 
ang syang tangi mong hangarin
kayat saktan kanyang damdamin
kinamumuhian mong gawin

Thursday, October 17, 2013

tombSTONE

1957 - 2009













1982 - 20XX

there's only two numbers left to fill in
two numbers that will complete the sentence
two numbers that will close my story

but those numbers doesn't matter
and on when or how my life will end
what matter is that dash "-" in between
yeah, that simple dash
that very simple line
that dash represent on what we contributed
to someone else life
what help we provided
to someone else success
what wisdom we planted
in someone else mind
how much love we've shared
to every people we know
and what good memories
we will left behind

so before our body goes back to ashes
make sure that,
that simple dash symbol
represents good deeds
something we will leave as legacy
to the people we care for
to the people who knows us
to the people who loves us

it's not about, how long was the journey you took
but how meaningful every seconds
of your life was spent.......................

Monday, April 8, 2013

when kalungkutan strikes.,.,

lima sa pamilya.,.,.,

dapat sanay magkakasama.,.,
sa tuwing selebrasyon ng bawat tagumpay.,
dapat sanay magkakaramay.,.,
sa tuwing may pagsubok na nagbabadya.,.,

lima sa pamilya na nagkahiwa-hiwalay
dahil sa pagkawala ng isa..,
ang nagiisang tanging buklod nila.,.,
ang nag-iisang pinaka gabay nila.,.,

si kuya na nasa silangang bahagi ng isla.,.,
ako na nasa kanlurang bahagi naman
si bunso na nasa lungsod at naghahanap buhay
si tatay na nasa probinsiya't mukmok sa bahay
at si inay na nasa langit na aming gabay.,.,

kailan kaya muling magiging isa.,.,
kailan kaya muling magkakasama.,., :(



Friday, September 7, 2012

dawn of mOnday

it was the dawn of monday
31st of august 2009
around 04:30am in the morning
when the last time i saw your kind face
you woke up earlier than me
made me a cup of coffee
and prepared a sandwich for me
after i finished packing up my things
and im all done, ready to go
i ask you to go back to your room
to continue sleeping
you disagree and insisted
to walk me to our house’s gate
saying that you want to see me leaving
and you need to lock up the gate anyway

before i ride on the jeepney
i tapped you on your shoulder
and said bye bye mom
i wave my hands on you
and you wave your hands for me too
if only i knew that it would be
our last goodbyes
i should have hugged you tight
kissed you sweetly
and whisper the words
thank you and i love you mom
i really regret not doing that
for the last time while your still alive
i remember im still staring at you
and your doing the same way too
even when the jeepney was already far away

i will also not forget the last words
you told me before i leave on the jeeepney
you wish me to go home the next week
“muli ka tung next week neh”
those were the last exact words you told me
now i think that during that time
you already knew that it would be your last goodbye
as you wish me to come home
for the week of your wake., L

today, its already been 3yrs mom
and i know that you are happier now
i know that you are always there
looking over us
please remember that
even if your gone
you’re always be in our hearts and mind

i miss you mom
itrulymissyousomuch.,

Wednesday, February 29, 2012

can't-ser

takbong mabilis
dapa sa damuhan
bukas mga kamay
tingin sa langit
hingang malalim
lunok na may kaba

kapa sa dibdib
sabay tanong sa SARILI
.

.
.
.
.
KANSER ka ba?
para mapaghandaan kita,.,.,

Wednesday, December 14, 2011

bakit eksmasBONUS

minsan naiisip ko
bakit nga kaya kailangang kumidlat
bago kumulog
bakit kailangang tumilaok
ng mga manok sa umaga
bat mas masarap matulog
sa gabi kesa sa araw
bat sa silangan sumisikat ang araw
at hindi sa kanluran
bakit ang dagat maalat
pero ang sapa tubig tabang
samantalang magkadugtong naman sila
bakit minsan may paalam
samantalang di naman talaga
nagkakilala ng lubusan
bakit kailangan madapa muna
bago bumangon
bakit kailangan munang magkamali
bago mo malaman ang tama
bakit laging nasa huli ang pagsisisi
bakit ang presyo tumataas
pero ang sahod istagnant
bakit ang hirap kumita ng pera
pero ang dali namang gumasta
bakit masakit daw ang umibig
pero ang dami namang umiibig
bakit mahirap daw hanapin
ang tunay na kaligayahan
bakit wala akong 13th month pay
bakit wala akong christmas BONUS
bakit
bakit
bakit.,.,.,.,.,., :(

Tuesday, November 8, 2011

sadbuttrue

minsan ang akala mong kailangan nila
hindi pala yun yung lubos na magpapaligaya sa kanila
minsan yung totoong kailangan nila
hindi naman pala kayang tumbasan
ng kahit anong bagay
tipong walang kapalit na halaga
minsan kahit anong ibigay mo
hindi pa rin yun sapat
pagkat ang totoong kailangan pala nila
ay yung oras mo
yung panahon mo
yung company mo
minsan ang kailangan lang talaga nila
yung kausap
kakwentuhan
at karamay
yun pala yung totoong nais nila
yun pala yung totoong gusto
ni lolo
ni lola
ni tatay
at lalo na ni nanay., :(

Wednesday, September 7, 2011

setyembresyetedosmilnuebe



Dalawang taon mula ng ika’y lumisan
Hanggang ngayu’y buhay pa rin sa isipan
Sakit sa damdamin na naranasan
Dulot ng pagkawala mong biglaan

Di man lang tayo nakapagpaalaman
Mga pagkukulang di nahingan ng kapatawaran
Huling halik sayoy di ko man lang nailaan
Kabaitan mo’y di ko rin nasuklian

Hanggang ngayon di kayang sambitin
Salitang paalam ayaw pa ring bigkasin
Pakiramdam ko kasi oras ng pagsasama ay bitin
Bakit kasi si Bro kinuha ka na sa amin

Sa nakalipas na dalawang taong hindi ka namin kapiling
Alam kong andyan ka lang at nagmamasid sa amin
Sana naman minsan sa panaginip ako’y dalawin
Upang pangungulila sayo ay pawiin
At pagmamahal mo’y muli kong damhin

Hinahanap ko lahat ng tungkol sayo
Ang boses mong pinipilit kong manatili sa tenga ko
Ang ngiti mong nais kong masilayan pag pumipikit ako
At ang pagmamahal mong hindi ko ipagpapalit kahit kanino

Mama, sayo’y meron akong ibabalita
Dito na po ako ngayon nagtatrabaho sa Singapura
Sayang at hindi man lang kita naisama
Na alam kong sayo’y lubos na magpapaligaya

Ganun pa man sana lagi ka ng masaya
Pagkat sa amin di mo na kailangan mag-alala
Sana sa kabilang buhay tayo’y muling magkita
Bagkus batid kong hindi ako sa langit mapupunta

Nangungulila na po ako sayo Mama.,

Mahal na mahal kita.,