Showing posts with label alang magawa. Show all posts
Showing posts with label alang magawa. Show all posts

Thursday, October 24, 2013

nais

para syang tulang
gawa ng isang makata
para syang larawang
naglalahad ng kanta
bagay na makinis
kasing kinis ng kamatis
sing tamis ng asukal
hanggang sa huling butil
para syang sipol
na nagmumula sa hangin
isang perlas
sa dagat na malalim
para syang panaginip
na di mo nanaising gumising
isa syang pangarap
na mahirap abutin
nais mo siyang pasayahin
ngunit ayaw mo syang mabitin
ikaliligaya nya 
ang syang tangi mong hangarin
kayat saktan kanyang damdamin
kinamumuhian mong gawin

Friday, February 22, 2013

sa WAKAS

sa wakas.,.,
nasundan din ang blog
kala ko
katapusan na ng pagsusulat
napasarap ako sa number 69
hehehe.,
pang 70 post pa lang kasi ito.,.

sa wakas.,.,.
malapit na maging abot kamay
yung bubuy0g na pula.,.,
sa wakas.,.,
magkakaroon na ng jollibee
dito sa sa singapurA.,.,

pambihira.,
sa tate nga meron.,.,
dito wala.,.,.,

sa wakas.,.,,
makakatikim na rin ulit ng yum burger
tsaka scabetti na pinoy ang lasa..,
wag naman sanang maging curry ang sauce
huhuhuhu.,.,.,

sana wag naman
abusuhin yung presyo.,.,
sana yung presyong kaya mu pang lunukin
yung burger na bibilhin mo hehehe.,.,
naisip ko lang..,
sa dami ng noypi
na sabik kay jollibee.,.,.
hhmmmmmm.,.,, kawawa yung mga magiging store crew.,.,.,
dahil siguradong puputaktihin si jollibee.,.,.
hahahaha..,.,
si jollibee PINUTAKTE.,.,., :)

Thursday, September 6, 2012

pssttt., bata, bata,.,

ang sarap sigurong maging bata ulit
walang problema
walang iniisip
puro laro lang
idol mo si shaider
crush mo si annie
kalaban mo si puma ley-ar
di mo kaylangan ng pera
di ka nawawalan ng pag-asa
di mo iniisip ang kinabukasan.,
sana
naging
bata
na lang ako ulit.,.,

Wednesday, September 5, 2012

randomTOWTS

tagal ng uwian
...
tomjones nako
...
gusto kong kumain sa jollibee
...
yung fitsmangofai
...
tsaka jollibee cheeseburger
...
miss ko na ang pinas
...
miss ko na yung kapatid ko
...
miss ko na din yung tatay ko
...
pati yung motor ko
...
miss ko na syang sakyan
...
at iharurot sa daan
...
gusto ko pumunta ng SM north
...
gusto ko din pumunta ng greenhillls
...
gusto ko kumain ng fishball tsaka kikiam
...
gusto ko matulog sa bahay namin sa espanya
...
namiss ko na din dalawin si mama
...
gusto ko mag-alay ng kandila sa kanya
pati na rin bulaklak
...
namiss ko na din mga kaibigan ko
...
mga klasmeyt nung high school
...
at mga nakaraang kasamahan sa trabaho
...
gusto ko sila makasalo sa kainan
...
namiss ko yung lasa ng totoong tocino
...
tsaka yung lechon manok sa andoks
...
gusto ko din manood ng basketball sa araneta
...
tagal ko ng hindi nakakapanood nun eh
...
sana makapag joyride din ako papuntang ilocos o kaya sa bicol
...
sa tingin ko OMSIK nako.,.,
...
siguro nga....................

tagal ng 05:30..,.,....


Tuesday, February 14, 2012

deymBEGS.,.,

why girls so DEYM
inlove with bagssss..,.,
and why sooo expensive bags
gucci
louis vuitton
coach
elle
burberry
hermes
l0ngchamp
why.,., why.,.,
anong fulfillment?
sabagay......,
gusto ko ng LV na wallet
for myself hihihi.,

Thursday, January 26, 2012

kapareHA


ang pagkabata
the video renter
the crush
little singer
the artist
prom queen
the future WIFE
kutis porcelana
chubby'ng super neat
fashionistang kuripot
the teacher
the smart boyish
kwelang kalog
chekwang-malay-koreana

Monday, April 11, 2011

tila walang MAGAWA

labing may nais sabihin

ngunit di kayang bigkasin

salitang dulot ng damdamin

sa isip ay di kayang buo-in

mga letrang naglalaro sa isipan

san ko ba hahagilapin

makabuo ng bagong akda

yan lamang naman

ang tangi kong hangarin

ngunit parang isipan ko'y

kulang sa timing

parang kailangang muling hasain

aklat ni bob ong ay basahin

manunulat na sarili ko'y gisingin

upang oras ko'y di sayangin

pagkat papel na aking sulatin

hanggang ngayo'y blangko pa rin.

Friday, April 8, 2011

alam mo ba?


ALAM MO BA.......

na nung bata ako gusto kong maging piloto

na kotse ang paborito kong laruan

na nailigtas ko yung prinsesa sa super mario brothers

na laro sa nintendo family computer

na kolektor ako ng nba cards

at si penny hardaway ang paborito kong player

na pula ang paboritong kulay ko

pero pag naglalaro kami ng mga kalaro ko

ako si blue 3 sa bioman

kasi si kuya si red 1

na magaling ako sa patintero

na naglaro din ako ng piko, text, jolens etc

na nalunod ako sa sapa

sa likod ng bahay namin nung bata pako

na mahilig ako magbisikleta

na halos may pasta lahat ng ngipin ko

taas at baba na pilak ang kulay

na mahilig ako sa matamis at paboritong ulam ko ang tocino

na labing dalawa ang daliri ko sa paa., hehehe JOKE lang

na first honor ako mula grade 1 hanggang grade 6 tsamba lang

na may mahaba akong peklat sa kanang braso

dahil nahulog ako sa puno ng bayabas at sumabit sa barbwire., ouuuucchhhh.,

na ang paborito kong asignatura ay mathematics

na inuulam ko ang milo o kaya ovaltine nung bata ako

pati na rin ang gatas na powder na may halong asukal

na chickboy daw ako, pero sa totoo lang dalawa lang naman ang naging kasintahan ko

na magaling akong manahi sa makina at hilig ko ito

na mas pinangarap kong maging dentista kesa maging inhinyero

na atis at avocado ang paboritong prutas ko

na isang dosenang beses na siguro ako naholdap

na ang paborito kong manunulat ay si master bob ong

at mahilig ako magbasa kahit medyo hindi halata

na mahilig din akong magsulat ng akda pati na ng tula

na mahilig ako sa kotse ngunit sa kasamaang palad wala akong pambili

na takot akong sumakay ng dyip pati na ng bus lalo na sa gabi

na mahilig ako sa mga chinita at mestizang chekwa

na may tattoo ako sa binti na ang ibig sabihin ay “pagmamahal kay nanay”

at higit sa lahat ALAM MO BA?????

na wala akong magawa dito sa trabaho ngayon kaya ko naisulat ito., hehe.,