Showing posts with label samut sari. Show all posts
Showing posts with label samut sari. Show all posts

Wednesday, March 8, 2017

aliping robot


kahit isang umaga lang
ibaba mo ang telepono
sosyal midya ay tigilan
kalimutan mo si peysbuk o instagram
puro basurang babasahin
pinupuno ang utak na malalim
damhin ang simoy ng hangin
sikat ni haring araw ay salubungin
kapaligiran ay pagmasdan
i-enjoy ang marikit na mukha ni ateng
kasabay mo sa sasakyan
buhay na normal ay balikan
mga suliranin ay kalimutan
pagiging tao ay pagbigyan
kahit ngayon lang naman
tiyak feeling mo ay gagaan.,.,,.

Wednesday, December 31, 2014

goodBYE 2014

sabik na ang lahat sa inaabangang bagong taon
nangangarap ng bagong pag-asa
sa bagong hinaharap
nagnanais ng bagong simula
kalimutan ang mga masasamang alala
mga luhang hindi na maibabalik pa
buuin ang mga bagong pangarap
humingi ng tawad sa kaaway
at magpatawad sa nagkasala
magpursigi sa hinaharap
di man tayo pinalad sa taong nagdaan
sana ang bagong taon ay maging masagana.,.,

Maligayang Bagong Taon.,., c",)

Thursday, June 20, 2013

mayET

ikaw ang bahaghari sa aking ulan
ikaw ang liwanag sa bawat gabi
ikaw ang puto ng aking dinuguan
ikaw ang arnibal sa mainit na taho
sago sa aking gulaman
latik sa aking malagkit
you are my niyog sa aking palitaw
ikaw ang dahilan sa bawat ngiti
ikaw ang gabay sa kinabukasan
asukal sa mapait na kape
at kumbaga kay smiggle
"YOU are my precious".,.,.,
hehehe., happy birthday my dear TABA.,.

Friday, November 16, 2012

30tipsapter30yirsoplibing

hindi lahat ng pangarap mo natutupad
minsan kasi iba ang nakatakdang plano sayo ni bro

hindi lahat ng gusto mo magpapasaya sayo
at sa mga taong nakapaligid sayo

huwag mong babaguhin ang sarili mo
kapag nanligaw ka sa babae
dahil kapag naging kayo,
hahanap hanapin nya yung taong pinakilala mo

mas importante sa pamilya mo ung oras mo,
hindi materyal na bagay na binibigay mo

makipagkwentuhan ka sa lolo at lola mo,
sabik na sabik silang magkaroon ng kausap

hayaan mong maglaro ang mga anak mo sa labas,
minsan kailangan din ng tao ng germs sa katawan

hindi lahat ng karunungan
natututunan sa paaralan

hindi lang si edward cullen
ang nabubuhay ng walang hanggan
dahil kahit mawala ka man sa mundo
hindi ka mamamatay sa puso ng tao
kung may ginawa kang kabutihan

huwag mong sunugin ang tulay
na nagdudugtong sayo
at mga kaibigan mo
hindi mo alam
kung kailan ka muling dadaan dito

matuto kang magpatawad
diyos nga nagpapatawad
ikaw pa kayang tao lang

pilitin mong maging kagalak galak sa kapwa mo
dahil hindi mo alam
kung hanggang kailan ang itatagal mo sa mundo
nanaisin mo bang di hamak
na mas maraming matuwa
kapag ikay nawala

bago mo bigkasin ang isang salita
tatlong beses mo muna itong isipin
dahil mas mahirap kalimutan
ang masasakit na salita
kaysa sa mga pasa sa mukha

hindi lahat ng bagay nabibili ng pera
hindi lahat ng mayaman nananatiling masaya

minsan kailangan mo talagang
paghirapan ang isang bagay
para malasap mo
kung gaano kasarap ang tagumpay

bago ka gumawa ng masama sa kapwa mo
alalahanin mo sanang
totoo ang karma at ang impyerno

hindi ka mananalo sa sugal
kung hindi ka naman tumataya
wala kang mararating
kung hindi ka marunong sumubok

gawing kaugalian ang pagbabasa
hindi tumatanda
ang taong busog sa kaalaman

hindi magandang opsyon
sa buhay ang pagsuko
ngunit minsan may mga bagay din
na kailangang isuko
at hindi kaduwagan ang tawag dun

hindi kabayaran
sa iyong mga kasalanan
ang paggawa ng kabutihan
sino ka ba sa tingin mo si robinhood

okay lang na magkaroon
ka ng singko sa trankrip mo
ang mahalaga ay nagpursige ka
at tinapos mo

hindi katalinuhan
ang pagiging tuso
at panlalamang sa kapwa mo

ang pag-aabot ng konting barya
sa magulang
tuwing panahon ng sahod
ay hindi obligasyon
pagpapahalaga ang tawag dun

ibat iba ang dahilan ng tao
sa mga desisyong pinipili
kayat kung anut anu ka man ngaun
resulta yan ng mga desisyong pinili mo
huwag mong sabihing di ka nagkaroon ng choice

ginto ang edukasyon
mas maningning ang kislap nito
kesa sa pera
ito lang ang tanging sandata mo
pumailalim ka man sa gulong ng buhay

ano man ang nangyari sa nakaraan
tapos na yun
subukan mong bigyan 
ng pagkakataon ang bukas

iwasang magdesisyon
kapag mainit ang ulo
dahil malamang sa alamang
pagsisisihan mo ito

ipamalas mo palagi
ang iyong matatamis na ngiti
tandaan mong yan ang nagbibigay
ng kulay sa buhay

mahalin mo ng sapat at parehas

ang iyong mga magulang
wala silang ibang hangad
kundi ang iyong kabutihan

may dahilan ang lahat
ng pangyayari sa buhay mo
kaya nga minsan

kailangan mo munang madapa
para matuto kang bumangon

may tamang oras at panahon
ang lahat ng bagay
huwag kang mawawalan ng pag-asa
darating din yung panahon mo.,.,. :)

Tuesday, September 25, 2012

agaw buhay

ang allowance ay GIPIT
ang bulsa ay HAPIT
ang ez-link ay SAID
buti na lang ang sahod ay PAPALAPIT
welcome agaw buhay WEEK.,.

Thursday, September 6, 2012

pssttt., bata, bata,.,

ang sarap sigurong maging bata ulit
walang problema
walang iniisip
puro laro lang
idol mo si shaider
crush mo si annie
kalaban mo si puma ley-ar
di mo kaylangan ng pera
di ka nawawalan ng pag-asa
di mo iniisip ang kinabukasan.,
sana
naging
bata
na lang ako ulit.,.,

Saturday, June 6, 2009

ang NOYPI 040309


ang pinoy, di mo alam kung maaawa ka o kamumuhian mo sila.,
di mo alam kung nananadya o sadyang nangangailangan lang.,
Sa bawat pulubing pilipino na nakikita ko sa kalsada,
sa mga over pass, mga squatter,
naiisip ko maswerte pa pala ako
at mayroon akong disenteng tirahan
pero sa mga pagkakataon na nagugulangan ka ng mga taong ito
at maranasan mong lokohin nila
mapapaisip ka talaga
kung dapat ba silang pagkatiwalaan at kaawaan,.
sa tagal ng pagtira ko dito sa maynila,.
ang daming beses ko ng nagbigay ng limos
sa mga pulubi na pagtalikod mo nagkaka-kara cruz na,
ang daming beses ko na din maswertihan
ng mga lintik na holdaper at mga mandurukot.
Sa totoo lang naisipan kong isulat ito
dahil naisahan na naman ulit ako ng holdaper kahapon 
April 2, 2009 di ko alam kung extension pa yun ng april fools day., o talagang buwenas lang ako
at lapitin ng mga masasamang loob.
Naisip ko nga eh kung naliliitan ba sila sa akin?
o mukha ba akong mahina?
mayabang, o mukha ba akong mayaman?
pero hindi naman.
bakit kaya lagi na lang akong biktima?
Namigay lang naman ako ng telepono kahapon.
ung tipong pinag-ipunan
at pinagpaguran para lang mabili,
sa kanila lang pala mapupunta.
Nakakasama ng loob
kung bakit ganito sa pilipinas
na bakit ganyan ang karamihan ng pinoy.
Sa tingin ko di naman sapat na dahilan
ung pagiging mahirap para gawin un,
hindi sapat na rason
ung sabihing dala ng pangangailangan,
na sabihing mas gusto kong gawin ito
kesa naman mamatay sa gutom ang pamilya ko.
Kahit papano naman siguro
madami pa ding paraan para kumita ng pera
sa marangal na paraan,
ung hindi kailangan manlamang sa kapwa mo,
lalo na sa kapwa pilipino
na katulad lang din na naghihirap sa buhay.
Natatawa na lang ako minsan
sa sinasabi ng mga kaibigan ko
na nagtatrabaho sa ibang bansa
na “kahit iwan mo ang gamit mo sa park,
at huwag mong bantayan
hindi ito mawawala”
at pag ang gamit mo eh nawala
isa lang ang ibig sabihin nun
PILIPINO lang din ang kumuha”
nakakatawa pero sa totoo lang
nakakalungkot na gnun ang mga pilipino.
Kailan kaya magiging gnun sa pilipinas?
ung hindi ka matatakot na umuwi
kahit gabing gabi na,
ung hindi mo na kailangan pumili ng mga jeep,
bus, o taxi na sasakyan,
ung mawawala ung takot mo
kahit saan ka magpunta.
Ang tanong eh,
mangyayari pa kaya un?
sana,. pero duda ako parang MALABO.

ang kwento ng buhay 020709


napakasarap mabuhay kahit mahirap ok lang,.
tuloy tuloy pa din.,
may bukas pa naman na darating.,
konting tyaga lang,
konting tiis
makakaraos din,.
minsan naiisip ko na sumuko
pero dapat di tayo ganun
dahil hindi pwede,
dahil kahit anong gawin natin
kailangan natin harapin ang buhay.,
kailangan natin makipagsapalaran.,
pano natin matitikman ang tagumpay
kung hindi natin paghihirapan,

siguro nga ganun talaga
dahil hindi nman lahat tyo pinanganak ng mayaman.,
dapat kahit hirap na hirap na
matuto pa din tayo na magisip ng positibo.,
ung sige parin ng sige.,
Kailangan nating planuhin ang buhay natin
dahil mismong sarili lang natin
ang gumuguhit sa kapalaran natin.,
alam ko minsan may swerte
pero hindi tayo dapat umasa sa swerte
dahil kailangan natin dumiskarte,.

So mga kaibigan ko konting tiyaga lang tayo.,
magakakroon din tyo ng nilaga balang araw., hehehehe ^_^