Friday, December 11, 2009

miskita

tatlong buwan na buhat ng ika'y lumisan
namimis ko ang pag-aaruga mo
tuwing ako'y may karamdaman
namimis ko yung pagyaya mo sa akin
para matulog na, tuwing hating gabing
magigising ka't nakababad pa ako sa panonood ng tv
namimis ko yung pagising mo't, paghatid mo sa akin
sa sakayan pabalik ng maynila
kahit madaling araw pa'y tinitimplahan mo pa ako na kapeng may creamer
kapag bibiyahe na ako pabalik sa trabaho.,

sobrang mis na kita mama.,
ito ang unang pasko kong wala ka na,.

Wednesday, December 9, 2009

buhay istambay

hay naku.,
ano ba ang buhay ko ngayon?
para akong isang pampasaherong dyip
na nasiraan sa gitna ng byahe
di alam kung san tutungo
di alam kung kailan makukumpuni
di alam kung kailan bibiyaheng muli
para akong isang trumpo
na huminto sa pag-ikot
di alam kung kailan muling iikot
at makapag-bibigay ng tuwa
sa isang batang paslit,.

hay naku,.
kain
tulog
tambay
alang sahod,.

hayan tulog na ulit., :(

sana hawak ko na ang ticket ko
para makaalis na
at makapag umpisa na ng bagong buhay.,
buhay na walang kasiguraduhan., nyahahay.,

Friday, December 4, 2009

may pag-asa, huling bala

kung ikaw ay mangangarap
ay mangarap ng mataas
kung isang suntok na lang ang kaya
ay dapat pinakamalakas
kung isang bala na lang ang baon
ay asintahin ng matalas

Sunday, November 29, 2009

seven and september

number 7 is a lucky number as they say

but do you think I believe?

my mom was born on the 7th of May 1957,
she was a blessing,
a real gift from god
(now I do believe)

but.,,.,.
she died on 7th of september
of year 2009 (9-2= 7)
at the age of 52 (5+2= 7)
and was buried in a cemetery lot
that belong to a 7th row

now, do you think I still believe that 7 is a lucky number?
(NO, I absolutely don't)

and I also hate SEPTEMBER.,

talunan


Sa aking karanasan sinubukan kong sumali makibagay
at makiramdam na lang kung anong plano nila sa akin,
hindi ako nangahas at sumubok na magsalita,
hinayaan ko silang magdesisyon para sa akin
ngunit nagsawa ako sa paghihintay.,
paghihintay sa bagay na ayaw naman pala nilang ipagkaloob sa akin
kaya ako lumisan.,

Hindi ko pinagsisisihan ang desisyon na pinili ko
pero ramdam ko na lumisan ako
na tulad ng isang ibong binaril at naputulan ng pak-pak
pagkat hindi ko man lang naipaglaban
ang mga bagay na alam kong nararapat para sa akin,
hindi ko man lang sinubukang angkinin ang mga bagay
na alam kong patas lang na ipagkaloob sa akin.

sana nasubukan ko paring talunin sila,
sana nasubukan ko paring ipabatid
at ipilit sa utak nila kung ano ang alam kong tama.,
sana hindi ako nagsawa hanggat may utak na sumusunod,
hanggat may tengang nakikinig.,
upang hindi ko naramdaman
na ako ay basta basta na lang sumuko at natalo.,
pagkat ginawa ko ang lahat:(

Monday, November 23, 2009

umaasa

sa gabing tuwing may naaalala akong
isang taong lubos na mahalaga sa akin
naiisipan ko na tumingin sa langit
at pagmasdan ang buwan
umaasa akong sa mga sandaling iyon
ay nakatingin din siya dito
para kahit papano ay maramdaman ko
na magkalapit lang kami sa isa't isa
pagka't parehas lamang ang nakikita ng aming mga mata

Sunday, November 15, 2009

HanggangSaMuli

huling araw ko na sa trabaho
huling araw na ng pakikisalamuha ko
sa mga taong naging bahagi na ng buhay ko
huling beses na ng paggawa ko
sa mga trabahong nakasanayan ko ng
araw araw na gawin
SANA napakapag-iwan din ako
ng mga magagandang ala-alang
pwedeng maging inspirasyon
sa mga naging katrabaho ko
SANA may naiwan akong bakas
na magpapaalalang minsan
ay naging parte ako ng kumpanyang ito
SANA may nai-ambag din akong
miski konting karunungan lang
SANA nasuklian ko din ng sapat
ang kabutihan at pagmamahal
na ipinakita sa akin ng mga kaibigan ko
nakakamiss din, pero wala naman akong magagawa
kailangan kong lumisan
para may mangyari sa buhay ko
para may magbago
mukha lang po akong masaya
pero sa kalooban ko, sobrang lungkot ko.,
hanggang sa muli nating pagkikita,
mga KATROPA!!

Sunday, November 8, 2009

payo

habang bata ka
hanapin mo kung saan ka
magiging masaya
dahil pag matanda ka na
hindi mo na ito magagawa
konti na lang ang oportunidad
konti na ang pagkakataon
limitado na ang kaya mong gawin
humina na ang katawan
at unti unting nababawasan
ang tiwala sa sarili.,

siguro nga hindi lahat ganun
pero ako, parang ganun ang nararanasan ko.

Monday, October 26, 2009

pila-pila


ang buhay ay isang pila

lahat na lang puro pila

pila sa pagpapatala sa pasukan sa eskwela

pila sa pagbabayad sa kuryenteng ginasta

pila sa pagsakay sa pampasaherong bus, tren, eroplano at bangka

pila sa pag-akyat sa entablado para makuha ang pinaghirapang diploma

pag naghanap ka ng mapapasukang trabaho

isa ka sa mga nakapilang pinagpipilian

ang mga mahihirap pumipila

sa bilihan ng murang bigas na handog daw ni gloria

ang mga umaasa sa swerte pumipila

sa tayaan ng lotto at kabayong kumakarera


pati kaya sa pag-abot ng pangarap may pila pa din?

kaylan kaya darating yung panahon

na aabot ako sa harapan ng pila

at matutupad ang aking mga pangarap

hindi pa kaya ngayon ung panahon na yun?

mangyayari pa kaya yun?

mahahantay ko pa kaya yun

o unti unti na akong susuko

bibigay at makukuntento na lang

kung anong meron ako.,

saglit, ano nga bang meron ako ngayon?

Friday, September 18, 2009

liham par kay inay

liham para kay inay

sa bawat panahon na naaalala kita

may tuwa akong nadarama

ngunit may mga lungkot na nakakubli

sa bawat ala-alang ibinabalik

napaka-bait mo inay

parang lahat ng kaibigan mong dumalaw

para masulyapan ang iyong mga labi

ay nakita kong lumuha

dulot ng pag-iyak

na hindi basta basta iyak

kundi kasing sakit

kung papaano ako umiyak

na sarili mong anak

nagpapatunay lamang kung gaano ka nila kamahal

masakit sa akin na wala ka na

pero natutuwa din ako pagkat

ang dami kong nakilalang mga tao

na lubos na nagmamahal sayo

mahal na mahal kita mama

at kahit kailan hinding hindi ka

mawawala sa aking puso’t isipan

nagsisisi ako dahil hindi kita nakasama

sa huling sandali ng iyong buhay

hindi kita nabigyan ng mahigpit na yakap

at masarap na halik

na alam kong magbubunga ng matamis mong ngiti

patawarin mo ko mama

kung hindi kita napasaya ng lubusan

kung alam mo lang kung gaano kita gustong pasayahin

patawad din at hindi ko naipadama

kung gaano kita kamahal

pagmamahal na sana’y naramdaman mo

nung nabubuhay ka pa

hindi madali na ipagpatuloy ang buhay

lalo na’t isa ka sa mga dahilan

kung bakit gusto kong mabuhay

nalulungkot ako na hindi ko na

maipapakita sayo kung anu man

ang mapagtatagumpayan ko

kung anu man ang pangarap na maaabot ko

hindi mo na rin makikita

ang magiging apo mo

na tiyak kong magbibigay ng tuwa sayo

ayokong banggitin ang salitang “paalam”

dahil nagpapaiyak ito sa aking puso

ngunit alam kong kung ikaw

ang masusunod hindi ito ang nanaisin mo

kung pwede lang humiling

na makasama kang muli

kahit isang araw o maski isang oras lang

lubos ko na itong ikatutuwa

ma alam ko masaya ka na dyan

alam mo mama mahirap ito para sa amin

pero alam ko mas magiging masaya ka

kung pipilitin din naming maging masaya

ayoko na hanggang dyan ay isipin mo pa rin kami

sobra-sobra na ang pag-aaruga, pagmamahal

at pag-aalalang binigay mo sa amin nung nabubuhay ka pa

maraming salamat ma.,

mahal ka namin :(

Sunday, August 16, 2009

now = future

what will you be tomorrow
depends on the decisions you make today,.,. :(

Tuesday, August 4, 2009

ngiti na




sa isang ngiti napapawi ang problema
sa isang ngiti may napapasaya ka
sa isang ngiti nagbabago ang kulay ng mundo
ang dating madilim nagiging makulay

may nakasabay ako sa pampasaherong dyip kanina pauwi
malalim ang iniisip ko ngunit sadyang natuwa ako
nang mapansin ko siya
isa siyang taong sa tingin ko’y
may mas maraming suliranin kaysa sa akin
pero hindi halata sa mga kilos niya
sinabayan niya ang musikang tumutugtog sa sasakyan
bagamat hindi niya alam ang mga eksaktong letra ng kanta
nakakatuwa at nakakaaliw
may mga tao pa rin palang ganun mag-isip
na kahit mabigat na ang mga pasanin sa buhay
nakukuha pa ring ngumiti

madaming beses din ako napangiti kanina sa opisina
kahit na gaya ng dati,
huli na naman ako sa takdang oras ng pasok ko
sa aking pag pasok natuwa ako
dahil may malaking avocado akong nakita sa mesa ko
galing pala yun sa isang maalalahaning ka-opisina
pagdating ng tanghali
may natanggap pa akong isang bote ng gatas mula sa soya
bigay naman ng katrabahong sa ongpin nakatira

mga simpleng bagay na nagdulot ng kasiyahan
kasabay ng mga mensaheng nabasa mula sa text at vypress
mga mensaheng kay sarap ulit uliting basahin
naisip ko tuloy, pwede naman talagang maging masaya ang buhay
kung nanaisin lang natin na maging masaya
pwede natin malimutan ang lahat ng problema
kahit saglit lang, sa isang simpleng ngiti lang
ngiting nakakapawi ng lumbay
ngiting nagpapasarap ng buhay

kaya ang payo ko
NGITI na tayo
para mas CUTE
para mas MASAYA

Thursday, July 30, 2009

its time

it has t0 start s0mewhere
it has t0 start s0metime
what better place than here
what better time than n0w

>rageagainstthemachine

Tuesday, July 28, 2009

from success to failure

i started my education
in the best manner it can be
awarded with a lot of medals,
trophies and certificates during early schooling
graduated as a class valedictorian
in my elementary years
my high school life
is not that to be proud of
in terms of awards that had won
but i can still say im on the top
being a part of a section
that is considered as the cream of the crop
in short,
im a consistent section one student
from freshmen to senior year
in college,
i went to a university that somehow
can provide quality but inexpensive education
the pioneer here in the philippines
of the course i’ve chosen
i don’t believe in the words
cumlaude,
suma cumlaude,
magna cumlaude
or even deans lister.
what’s important for me
is to pass every subject i take
a passing grade is already enough for me
anyway i don’t consider a college life
without a single failing grade
that’s why i have two
and one more thing
a college education
without a single failing grade
is a life that’s not well lived (just my opinion)
but where am i now?
im a degree holder
im a professional
i already worked
in different well known organizations
but am i successful?
am i content?
did i achieve something to be proud of?
the answer????? a big big NO, NO,…..
co’z im still a failure up to now.,.,.,.

Monday, July 27, 2009

im just asking

i feel down and blue

i wanted to be blown by the air

and forever be lost in this earth

i dont have any motivation at all

goal to strive at

and probably the reason to live by

its not funny anymore

i dont have any achievement

nothing to be proud of

and end up always the loser

im not always negative

but what can i do?

there's nothing positive that happens to me

what's just left of me

are those people who loves me

but is that already enough to continue life

do you have a purpose for my living?

did i already reach what you intended for me?

did i already serve my purpose here on earth?

is that already it?

im so sorry but IM JUST ASKING.,

Wednesday, July 22, 2009

Tanggap ko na?

Tanggap ko na?

hindi lahat ng nais ng isang tao ay natutupad

kumbaga sadyang may mga pangarap na hanggang pangarap na lang talaga

at hindi kailanman pwedeng magkatotoo

mga bagay na alam mong magpapasaya talaga sayo

subalit marami kang kailangang isakripisyo

sakripisyo na kaya mo sanang magawa

kung alam mong may magiging resulta

ngunit hindi pwedeng basta basta ka na lang lumarga

gayong alam mong suntok sa buwan ang pangarap mo

pero bakit ganun? sa ibang tao hindi mahalaga ang bagay na ito

pero bakit sa akin sobrang halaga nito

kailangan ko ba talagang matutunan tanggapin

na may mga pangarap na hindi natutupad?

na may mga prutas na nasa pinakatuktok ng puno na hindi kayang mapitas?

o ipagpatuloy lang ang pangangarap,

at magpursige para maabot ang bungang kahoy na pinapangarap.

Saturday, June 6, 2009

MAY HALAGA DIN ANG PERA


May 19th, 2009 by jdayao

MAY HALAGA DIN ANG PERA

dati galit na galit ako sa mga taong kuripot.,

yung mga taong parang sinasamba ang pera.

mga taong kulang na lang ilibre mo na

para lang mayaya mong kumain sa masarap na kainan.

manood sa sinehan, at gumimik paminsan-minsan.

yung tipong ayaw talagang mabawasan kahit piso

ang sahod na pinag-paguran,

tipong makikipag away pa sa driver ng dyip

kapag kulang ang isinukli sa kanya

miski isang barya,..,.

kumukunot ang noo ko pag may ganyang sitwasyon

kahit na alam kong may punto naman talaga

ang pasahero.

masasabi kong hindi ako tulad nila

sa tingin ko nga nabibilang ako

sa klase ng tao na tinatawag nilang

“galit sa pera” isang tao na ayaw patagalin

ang hawak na pera sa kamay.

basta meron, hala sige gasta.,.,

naisip ko nga ung isang kasamahan ko sa trabaho

kinukumbinse ko kasi siya na bumili ng isang bagay

na kung tutuusin kayang kaya nya naman bilhin

pero isa lang ang sinabi nya sa akin

na hindi nya daw kailangan ung bagay na yun

pagkat ang perang naitabi nya

ay paghahanda daw para sa bukas

“BUKAS” na itinanong ko sa sarili ko

kung bat hindi ko naiisip

bukas na kailangan ay pinaghahandaan ko rin

naawa ako bigla sa sarili ko

dahil wala pa akong nararating

wala pang nagawa at naipon

na pwede ko sanang ipagmalaki

nakakainggit sila dahil

hindi ko sila katulad

hindi ako isang super hero

na may kapangyarihan

sa paghawak ng pera

iba nga siguro ang kuripot sa matipid

iba ang madamot sa marunong humawak ng pera

sa masinop, sa marunong maghanda at magtabi

ng para bukas

siguro kung natuto lang akong magtipid

at gumasta ng pera ng ayon sa pangangailangan lang

siguro may ipon na din ako ngayon

may nakalaan na para sa kinabukasan ko

at magiging pamilya ko

kaso ang nakakalungkot isipin

sa ngayon

marami akong ipon

at nakakahiya mang aminin

“ipon na utang”

give and take lang kaso parang LUGI tayo


April 28th, 2009 by jdayao


Sabi sa libro na nabasa ko mula kay erros atalia. patungkol sa isang pobreng manggagawa sa kanyang pinapasukan na kumpanya.
“Kailangan nila AKO para lalo SILANG yumaman,
Kailangan KO naman SILA para may mailaman sa tiyan,
Kapag wala SILA madami KAMING mag-uulam ng asin,
Pero kapag wala KAMI madami silang ipapalit sa AMIN”

napa-isip ako.,.,.,.,., ummmhhhhh., yan ang katotohanan ng BUHAY
>jun dayao

ang NOYPI 040309


ang pinoy, di mo alam kung maaawa ka o kamumuhian mo sila.,
di mo alam kung nananadya o sadyang nangangailangan lang.,
Sa bawat pulubing pilipino na nakikita ko sa kalsada,
sa mga over pass, mga squatter,
naiisip ko maswerte pa pala ako
at mayroon akong disenteng tirahan
pero sa mga pagkakataon na nagugulangan ka ng mga taong ito
at maranasan mong lokohin nila
mapapaisip ka talaga
kung dapat ba silang pagkatiwalaan at kaawaan,.
sa tagal ng pagtira ko dito sa maynila,.
ang daming beses ko ng nagbigay ng limos
sa mga pulubi na pagtalikod mo nagkaka-kara cruz na,
ang daming beses ko na din maswertihan
ng mga lintik na holdaper at mga mandurukot.
Sa totoo lang naisipan kong isulat ito
dahil naisahan na naman ulit ako ng holdaper kahapon 
April 2, 2009 di ko alam kung extension pa yun ng april fools day., o talagang buwenas lang ako
at lapitin ng mga masasamang loob.
Naisip ko nga eh kung naliliitan ba sila sa akin?
o mukha ba akong mahina?
mayabang, o mukha ba akong mayaman?
pero hindi naman.
bakit kaya lagi na lang akong biktima?
Namigay lang naman ako ng telepono kahapon.
ung tipong pinag-ipunan
at pinagpaguran para lang mabili,
sa kanila lang pala mapupunta.
Nakakasama ng loob
kung bakit ganito sa pilipinas
na bakit ganyan ang karamihan ng pinoy.
Sa tingin ko di naman sapat na dahilan
ung pagiging mahirap para gawin un,
hindi sapat na rason
ung sabihing dala ng pangangailangan,
na sabihing mas gusto kong gawin ito
kesa naman mamatay sa gutom ang pamilya ko.
Kahit papano naman siguro
madami pa ding paraan para kumita ng pera
sa marangal na paraan,
ung hindi kailangan manlamang sa kapwa mo,
lalo na sa kapwa pilipino
na katulad lang din na naghihirap sa buhay.
Natatawa na lang ako minsan
sa sinasabi ng mga kaibigan ko
na nagtatrabaho sa ibang bansa
na “kahit iwan mo ang gamit mo sa park,
at huwag mong bantayan
hindi ito mawawala”
at pag ang gamit mo eh nawala
isa lang ang ibig sabihin nun
PILIPINO lang din ang kumuha”
nakakatawa pero sa totoo lang
nakakalungkot na gnun ang mga pilipino.
Kailan kaya magiging gnun sa pilipinas?
ung hindi ka matatakot na umuwi
kahit gabing gabi na,
ung hindi mo na kailangan pumili ng mga jeep,
bus, o taxi na sasakyan,
ung mawawala ung takot mo
kahit saan ka magpunta.
Ang tanong eh,
mangyayari pa kaya un?
sana,. pero duda ako parang MALABO.