Monday, December 20, 2010

pasko din daw sa kanila

Pasko na naman
Pero wala ako sa pilipinas
Kung saan ipinagdiriwang
Ang pinakamahaba at pinakamasayang
Kapaskuhan sa mundo
Andito ako sa isang bansang
Nagpapanggap na may pasko din sila
Nandito ako sa singapura
Kung saan ibat ibang lahi ang naninirahan
Kasama na ang mga pinoy.,
Heto sila
Indiyano
Mga maiitim na tao na amoy sibuyas
Na kala mo may pasko din sila
Eh hindi naman nila kilala si kristo
Chinese
Sila ang mga taong galing sa china
Mga purong intsik
Na pati mga Singaporean na kapwa nila singkit
Eh galit sa kanila
Kala ko noon meron silang mga relihiyon
Dahil sa kanila yata nagmula
Ang budismo, konfyusiyanismo at taoismo
Pero madami pala sa kanila
Mga walang relihiyon at walang kilalang panginoon
Isa lang daw ang buhay ng tao at yun ay ang buhay sa lupa
Eh bakit kayo ngayun nakikisali
Sa pagdiriwang ng kapaskuhan
Eh hindi nyo rin nman kilala si kristo
Malaysian
Sila ang mga taong kung tawagin ay Malay
Maiitim din sila pero madaming hawig sa pinoy
Madami din sa kanila intsik na malay
Pero karamihan purong malay
Mga mayayabang na tao
Na kala mo sila ang may-ari ng singapura
Mas mayayabang pang kumilos
Kesa sa mga taong totoong may ari ng bansa
Karamihan din sa kanila muslim
Kaya wala rin silang dapat ipagdiwang sa pasko
Burmish
Sila ang mga taong galing sa bansang Myanmar
Na dating kilala sa tawag na Burma
Sila ang mas kahawig ng mga Pilipino
Sa kulay pero hindi sa amoy hehehe.,
Di ko alam kung ano ang relihiyon nila
Pero ang alam ko hindi rin nila kilala si kristo
Indonesian
Sila ang mga taong tulad ng mga Malay
Pero hindi kasing yabang nila
Madami din sa kanila may lahing singkit
Pero halos lahat muslim din

nga pala sila din ang tumalo sa atin
sa football ung Philippine Azkhals
Bangladeshi
Sila ang mga taong nakatira
Malapit sa India
Kaya nga ang amoy nila’y parehas
Ng mga indiyano
Amoy ewan.,
Singaporean
Sila ang may ari ng bansa
Mayayabang din sila
na kala mo naman ubod ng galing
halos lahat sila nakasalamin
dahil daw yun sa sipag nila mag-aral
magaling daw sila at wala tayong binatbat
meron sa kanilang mga kristiyano
pero iilan ilan lang din

at ang huli ang mga pinaghalu halung
lahi ng mga puti
mga taong galing sa
europa, canada, australia, at amerika
sila ang mga masasabi kong may karapatan din
na madiwang ng kapaskuhan
kasi karamihan sa kanila
mga katoliko at kristyano
kasama ng mga pinoy.,

ang mga unang nabanggit
bakit ba sila nakikisali sa pasko
eh wala naman silang dapat na ipagdiwang
dapat hindi rin sila bigyan ng christmas vacation
at higit sa lahat christmas bonus.,., hehehe :)

Monday, December 6, 2010

joyRIDE

dec 03 pm singapore to manila
dec 04 am manila to quezon city
dec 04 pm quezon city to tarlac
dec 05 am tarlac to clark
dec 05 pm clark to singapore.,.

awwtsss., plakda., pagod.,, :(

Friday, November 12, 2010

balbon

EXPLICIT CONTENT, parental guidance is advice.,.,

Ito yung mga kwentong nagagawa ko pag may tama ako., pag naka-tira ng katol., tulad ngayun., (sana magustuhan nyo hehe.,)

Ito’y kwentong ewan, ngunit hango sa totoong buhay na gawa ni JD ang taong ka-tandem sana Chiz Escudero nung tatakbo siyang presidente ng pilipinas, kaso biglang umurong ang bayag.,


BALBON

late na naman ako gumising, diko mamulat ang mata ko,
ang mga matang kasing laki ng mata ng tarsier, parang naging mata ng mga chekwang puyat
malamang late na din ako makakarating sa opisina, pagbangon diretso sa banyo,
shit, ngayun pa sumabay ang pagtawag ni marcos., tawag ako ng mahiwagang trono.
pagkatapos maligo, nagtimpla ako ng kape sabay nagpahid ng palaman na mayonaise sa mainit na pandesal.,
yun oh., umasa pang may pandesal dito, loaf bread pala, ung Gardenia.
Pasok sa kwarto pagkatapos para magbihis, sabay pindot sa iphone (yabang.,.,)
para makita kung ilang minuto pa bago dumating ung bus na numero
64 sa pagkalayu layung bus stop sa bahay (mga isang dipang layo) paglitaw.,
ching 10 minutes before arrival.
Napamura ako, putang-ina 10 minutes na lang,
tsaka pa lang ako kikilos ng pagkabilis bilis,., ung kaninang kilos na parang Pong Pagong
ngayon parang naging The Flash na sa kadahilanang ayaw ko din namang malate,
o kaya hintayin ung susunod na bus na malamang after 30 minutes pa ang dating.,
at mas lalong ayaw ko magtaxi dahil sayang ang salapi na dugo’t pawis ang puhunan para kitain.

Pagkabihis, iinumin na yung kape na siguradong kasing lamig na ng ilong ng pusa.
Bibitbitin na lang ung tinapay, at ibubulsa ung cotton buds
dahil sa elevator na ako maglilinis ng tenga ko,
Pagpindot sa elevator, putik nasa ground floor,
hihintayin ko pa ito kasi naman nasa 17th floor lang nman ang tirahan ko.,
sobrang nasa ibaba.,
pagsakay, pag minalas lintik halos lahat ng floor may buwisit na sasakay.,
mga instik na di mo malaman kung naligo o nagwisik lang ng tubig sa mukha.,
nakalongsleeve na hinahabol pa ng plantsa.,
dati hindi ako nakakalabas ng bahay pag di plantsado ung damit ko
ung tipong uulitin ko pang plantsahin hanggat may gusot.,
pero ngayun balewala na ang gusot., may natutunan ako sa kanila.,
isabit mo lang ang damit mo at ipaubaya mo na kay gravity ang pagplantsa.
mabalik tayo, sa wakas nakalabas din ako ng elevator, sabay tatakbo papunta sa isang dipang layong bus stop.,
ahhhhhhh nasa overpass pa lang parating na ang bus,
sa overpass bigla akong napahinto, kunyari napagod nako sa kakatakbo, yun naman pala eh,
kasi naman nakasalubong ko yung mga estudyanteng kapareho ng suot na damit ni sailormoon natural naman lilingunin ko,
may halong berde din naman ang dugo ko eh parang yung kay Slimer, The Grinch o kaya kay The Mask,
bakit kaya ang hilig ni Ace Ventura gumanap ng taong berde noh?.,
san na nga ba ako? ah sa oberpas, paglampas ng mga estudyante sabay tatakbo ulit
kasintulin ng takbo ni Stephen Chow sa palabas na Kung Fu Hustle
nung hinahabol siya nung babaeng may kakayahang gumawa nung Lion Roar Technique
at ginamit nya pang side mirror ung mga kutsilyo na nakatarak sa balikat nya,
parating na yung bus, kulang na lang sigawan ko si manong driver ng “hooooyyy kulugooooo pahintaaayyy.,.
hay buti na lang umabot, pagpasok sa bus, un oh,
sila na naman ang mga kasabay ko, paulit-ulit na lang,
ay may bago, syempre yung maganda lang ang napansin ko,
ang ganda kamukha ng bebot ni Papa Dongding.,
sino ba yun? tama, tama si Darna, ung babaeng mahilig magbato “Ding ang bato”
napa-WOW ako wala siyang katabi sa upuan, tabihan ko kaya?
Nilakasan ko ang loob ko, para akong nanghiram ng powers kay The Hulk,
feeling ko kasi ang laki ng katawan ko, tipong sasabog yung mga muscles ko,
pag-upo ko sa tabi niya, Shyet ang pogi ko.,
kaso ilang sandali pa may napatunayan ako, totoo pala yung kasabihang
“don’t judge my brother he’s not a book” nyeeekk kay Ms Melanie Marquez pala yun,
ito pala yung totoo “don’t judge the book by its cover”
sukat ba namang ayusin nya yung aircon sa taas ng wall ng bus,
natural tinaas nya yung kamay niya at pinasilay niya sa akin ang kanyang malupit na armpit,
yun lang.,., kala ko jackpot na.,.,
Nagulantang ako sa aking nakita, muntik ng lumuwa yung aking mga MATA.,
pakingshet BALBON, anak ng putakte long hair pala ang kili kili ni ate.,
panalo sobrang panalo., may halo pang amoy na pumuputok-putok.,
nanlupaypay ako parang sinagasaan ng isandaang pison.,
sabay napamura “putang-ina, pagkaaga-aga may putok ka na agad., parusaaaa kaaaa,.,.,” hehehe.,
Umabot din naman ako sa opisina., yun nga lang gaya ng dati., parang sa Lamoiyan lang.,
LATE na naman hehe.,


Friday, October 22, 2010

maraming salamat


“tay, kuya jun, kuya den,
salamat po sa pagsuporta sa akin
kahit medyo natagalan pag-graduate ko
ngayon graduate na ako
salamat kasi lagi kayung nandyan
para kay mama din ito, sayang wala siya”

yan ang mismong text message na natanggap ko kagabi
mula kay bunso
natutuwa ako kay bunso
pero nalungkot din ako kasi naalala ko si mama
naluluha nga ako habang binabasa ko ung text
natutuwa ako para sa kapatid ko
sa wakas graduate na din siya
kaya na din nya tumayo sa sarili niya
di ko na siya aalalahanin masyado
dahil alam kong may ibubuga na siya
sabi niya nga pagtawag ko
professional na ako., ok na ako.,

naisip ko din
nung ako yung nasa katayuan niya
di ko man lang nagawang magpasalamat
kahit sa text lang
kahit yun lang hindi ko nagawa
hindi ko man lang nasabing
salamat tatay
salamat mama
kahit alam kong galing sa
pawis at paghihirap nila kaya ako nakatapos.,

gusto ko tuloy sumigaw ngayon.,
MARAMING SALAMAT sa inyo
tatay, mama.,
wala ako sa kalagayan ko ngayon
kung hindi dahil sa inyo.,salamat po.,

patawad po hindi ko nagawa yun noon.,

Wednesday, October 20, 2010

minsan

minsan nahuhuli ko ang sariling nakangiti,
malayo ang tingin, malalim ang iniisip,
pasensya na, sana maintindihan mo,
gusto lang kitang makasama lagi

magpapasko na ang simoy ng hangin
ayaw kong ako ay lisanin
ngayon pa, na ikaw ay hinahagkan
huwag na sanang ako’y iwanan

minsan nga siguro strikto ako
minsan nga matigas ang ulo ko
ngunit sana maisip mo din
kabutihan mo lamang ang tangi kong hangarin

patawarin mo sana ako
kung luha’y dumadaloy sa mga mata mo
sana’y bisig ko ay sandalan mo
upang sama ng loob mo’y mapawi ko

tuwing luha mo’y nakikita ko
di mo lang alam puso ko’y nagdurugo
bigyan mo sana ng pagkakataong muli
upang sa mga pagkukulang ay makabawi

Monday, October 18, 2010

kwentong ewan

sarap matulog,
buwisit may pasok pa kasi
sana payday na lang lagi
sana sabado na lang lagi

bakit ang weekdays
ang haba haba
pero bakit ang weekends
ang bilis bilis

pag nasa office ka
antok na antok ka
pero pag-uwi mo naman ng bahay
di ka naman makatulog

ang dami kong trabaho na nakapila
pero minsan ayoko ng gawin
gusto ko ng maging malaya
malaya sa mga bagay na nais kong gawin

ngayon tamad na naman akong magtrabaho
kahit madami akong trabaho
parang gusto kong gumawa ng wala
hayan dalawang oras na ang lumipas,
malapit na naman magtanghalian

dito sa bansang ito
ang hilig ng mga tao sa pagkain
ang dami nilang uri ng pagkain
kaso ang nakakainis pagkain na hindi mo makain

kahit gutom na gutom na ako
minsan wala pa rin akong gana
kasi naman, itsura pa lang ng pagkain
nakakaumay na. walang kamatayang curry, noodles at tokwa

buti na lang bumawi sila sa mga fruit juice
kasi masarap ang mga juices dito
masarap mga inumin, paborito ko yung ice kachang
kaso nga lang walang libreng inumin kahit drinking fountain
pati tissue nga sa mga kainan hindi libre

naisip ko tuloy
WOW mas mayaman pa pala ang pinas
atleast sa pinas, kahit sa turo-turo lang
libre ang inuming tubig at mainit na sabaw

may kasama pang tissue
oh san ka pa., hehehe.,

hayan tatlong oras na lang
uwian na naman
napakatagal talaga ng 05:30pm
yan lang ang lagi kong inaabangan

pag-patak ng 05:30
sign-out agad
walang pakialaman
hanggang dun lang ang bayad sa akin eh

libreng OT
no-way, di kasama sa bokabularyo ko yun
sori na lang kung may trabahong hindi pa tapos
pasensya na may bukas pa naman

anong klaseng kwento ito
san san nako nakarating
mga kwentong walang kabuluhan
di alam kung anong pinagmulan

o siya cge na
mag-a-ala singko y medya na
oras na naman ng uwian
oras na naman para boss ko’y takasan

sasakay na naman ako
sa bus numero siyamnapu
pagkatapos lilipat sa isang bus
numero animnaput-apat
para makauwi sa bahay

hay., araw araw pa-ulit-ulit na lang
ay bukas pala, mag-iiba
ako’y tutungo doon sa Johor Bahru
duon sa nakakatakot na bansang Malaysia

may pabibili kayo? Hehehe.,
uwian na.,

laging tandaan ang kasabihang

“There’s always tomorrow, Kaya magtira ng trabaho para bukas”

Tuesday, August 31, 2010

para sayo

TABA

Mula nung unang kita’y makita
Unang pagkakataon pa lang ay nabighani mo na
Kaya’t gumawa ng isang eksena
Upang lubusan kita’y makilala

Isa kang babaeng, lalake kung umasta
Pagkaganda-ganda ngunit siga sa eskwela
Puso ng mga kalalakihang kilala ko’y bihag mo na
Ngunit di ko maintindihan kung bakit sa akin ay lumalapit ka

Manligaw sayo’y pinag-isipan ko pa
Pagka’t ikay nagmamahal sa isang gwapong PAPA
Pag kasama mo siya’y tuwang tuwa ka
Ikwento sa akin ay ginagawa pang talaga

Sa isipan ko’y sariwa pa
Nang lapis na panulat ko’y hiniram mo pa
Paghingi ng tulong ay aking labis na ikinatuwa
Ngunit ang lapis pala ay para lamang ipahiram sa kanya

Sa panliligaw sayo’y madaming pinagdaanan
Pagtingin sa akin ay di ko maintindihan
Mga asungot mong kaibigan, akoy kinamumuhian
Buti na lang at nagising ka’t mabuting pinagisipan

Sa wakas ika’y napasagot ko na
Matamis mong OO’y narinig sa tenga
Masarap na pagmamahal iyong ipinadama
Ako’y natuwa’t abot langit ang ligaya

Sa matagal nating pagsasama
Sinubok tayo ng tadhana
Sa lungkot at ligaya tayo’y nagsama
Sana habang buhay tayo na nga

Sampung taon mula noon
Nandito pa rin tayo hanggang ngayon
Mga pagkakamaling naranasan
Sana nama’y ibaon na natin at kalimutan

Maraming salamat sayo TABA.,

Monday, August 30, 2010

assignment ng anak ni efren pinagawa lang hehe

Ang Aking Buhay

Sampung taun na ang ginugol ko sa aking buhay
Bigay ng Panginoong makapangyarihang tunay
Sa pamamagitan ng pagmamahalan ni inay at itay
Kaya’t sa inyo ngayun ang buhay ko’y inaalay

Salamat sa iyo aking inay
Siyam na buwan sa sinapupunan mo ako’y tinaglay
Hanggang sa ngayon oras mo’y binibigay
Upang paglaki ko’y maging matiwasay

Salamat din sayo aking itay
Alam kong pagmamahal mo’y walang kapantay
Buong buhay mo’y iaalay, lahat ng bagay ay ibibigay
Basta’t para sa amin ni inay

Bilang ganti ko sa lahat ng kabutihan nyo
Pag-aaral ko’y aayusin ko
Pagdating ng panahon, diploma ko’y iaabot sa inyo
Yan po ang pangako ko, itaga nyo man sa bato

Ang buhay ko po’y makabuluhan
Dahil punong puno ito ng pagmamahalan
Pagmamahalan na hindi matatapatan

Nang kahit anong bagay o kahit ano pa man

Wednesday, June 30, 2010

pangungulila sa TOCINO

San ka man patungo
Tiyak ako mamimiss mo pa din ang pinas
Ang mga pagkaing sa pinas lang matatagpuan
At angkop na angkop sa iyong panlasa
Sigurado din
Mamimiss mo ang traffic sa edsa
At ang baha sa espanya
Mga jeep na hataw kung umarangkada
At mga fx na may air con nga., mainit naman ang buga
Mamimiss mo din si manong na taga-tawag ng pasahero
Quiapo, Quiapo, Quiapo
Oh makikiusog nalang kaliwat kanan pa yan oh
Pakikalong na lang ang bata at mkikiipit na lng
Mamimiss mo din ang karatulang “walang tawiran, nakamamatay”
At ang mg a kulay pink na proyekto ni bayani na walang humpay
Ang mga padyak driver
Na parang de gasolina ang bisikleta nila kung managa
Lalo na pag tag-ulan at bumabaha
Ang araw araw na siksikan sa lrt at mrt
Lalo na pag uwian na at amoy pawis na ang lahat
Si Manong tsuper na sasabihan kang
“brad heto pamasahe mo oh, lipat ka na lang sa kabila”
Mamimiss mo din ang pambansang hamburger ng pilipinas
Ang yum burger ni Jollibee
At classic burger ni tropical hut
Sama mo na din ang sago’t gulaman sa may kanto
At ang tinutusok na kwek kwek ni manong
Ang mainit na pandesal sa umaga
Kasabay ng tilaok ng mga manok
Mamimiss mo din ang kabi-kabilang rally sa kalsada
Lalo na sa mendiola at welcome rotonda
Mamimiss mo din ang nunal ni ate glo
Sumalangit nawa
Ay, sorry, buhay pa nga pala siya

Ganun nga siguro talaga ang pinoy
Sala sa init, sala sa lamig
Pag nasa pinas ka gustung gusto mong mangibang bayan
Pero pag nasa ibang bayan ka na, gusto mo naman bumalik ng pinas
Kala ng iba masarap mamuhay sa ibang bayan
Ang hindi nila alam, mali ang kanilang akala
Mahirap baguhin ang mga bagay na nakagawian na
Mahirap manirahan sa lupang hindi mo naman masasabing sayo talaga


Haaayyy naku, nakakamiss na talaga ang pinas
Nakakamiss lahat ng bagay na nasa pinas
Sa totoo lang.,,.
Namimiss ko na ang.,.,.,.,,,,….TOCINO..,

lalo na ang baby ko., hehe.,

Friday, June 11, 2010

mayabang na boss

ang hirap pala
pag sobrang yabang ng boss mo
mahirap kasi hindi ko alam kung saan ako lalagay
ang hirap magdesisyon
ang akalang kong tama na
laging may mali pa pala
tuloy masyadong nawala ang tiwala ko sa sarili
lahat ng trabahong ginagawa
ilang beses kaylangang ulit ulitin
at ilang beses kaylangan pag aralang muli
bago ipasa.,

minsan may mga gusot na
alam ko kung pano resolbahin
ngunit kaylangan ko pang
ikonsulta dahil
pag nagkamali ako patay na naman
minsan kasi kahit tama na para sa akin
pagdating sa kanya iba pala ang tama
di ko tuloy magawa ang trabahong nais ko
di ko tuloy maipatupad ang paraang gusto ko
minsan kaylangan ko pang humingi ng paumanhin sa iba
pagkat nasasagasaan ko na sila
dahil sa paggawa ng bagay na labag naman sa akin
ngunit dahil sa mayabang ang boss ko
kaylangan kong gawin
mga bagay na alam ko namang mali
ngunit kahit na anong mungkahi ang banggitin ko
ang sa kanya parin ang magwawagi
wala na akong ginawang tama
lahat desisyon nya ang tama.,

haaayyyy anong klaseng boss ba ito.,

Saturday, May 29, 2010

kasalanan ko ba?

bakit ako ang sisisihin
sa pagtalikod nila sa inyo
kasalanan ko ba
na hindi rin sila kuntento sa binibigay nyo
para tuloy ako pa ang lumilitaw na masama
kasalanan ba na tulungan
ang mga kaibigan na humingi ng tulong ko
di ko sila inudyok
sadyang nagdesisyon lang sila para sa sarili nila
para sa ikauunlad nila,.,

bakit hindi nyo muna tignan
kung ano ang pagkukulang nyo
kung ano ang dapat nyong gawin
para di kayo tuluyang talikuran
hindi yung ako ang sisisihin nyo sa paglayas nila
oo, inaamin ko marami akong
kaylangan ipagpasalamat sa inyo
alam ko madami akong natutunan sa inyo
pero sa tingin ko
nagawa ko naman ang bahagi ko
nasuklian ko lahat
ng IBINAYAD nyo
malamang mas madami pa nga akong
ibinigay kesa sa tinanggap

sana marinig nyo ang bahagi ng kantang ito
parang sadyang ginawa, para sa INYO

"di ko alam kung talagang maraming harang
o mataas lang ang bakod
o nagbubulag-bulagan lamang po kayo
kahit sa dami ng pera niyo
walang doktor na makapagpapalinaw ng mata niyo
"

GOD BLESS YOU po., :)

Friday, May 28, 2010

CP evolution


ang pagpapalit ko ng cellphone sa pagkakatanda ko.,
minsan dahil gusto lang mag upgrade
minsan naman dahil nasira
minsan naman dahil nawala
kaso ang madalas dahil, naholdap o kaya nadukutan huhu.,


ung huling brand bibilhin ko pa lang hehe.,


BRAND

UNIT

phillips

savvy

nokia

5110

nokia

3310

nokia

5510

nokia

6210

nokia

6510

samsung

C100

nokia

3660

nokia

5210

motorolla

V3i

motorolla

V3

sony ericson

P990i

nokia

1200

samsung

E250

samsung

GT B3410 corby pro duo

LG

KU 990i viewty

apple

iphone 3GS

Saturday, March 6, 2010

singaporean, malaysian and PR need apply

malapit na akong sumuko
puro na lang kailangan
singaporean ka
malaysian ka
o kaya PR ka
permanent residence ka

buwisit bat kasi
kailangan dito pa ako makipagsapalaran
bat kailangan ipagpilitan ang sarili ko dito
meron naman akong sariling bansa

bat kasi hindi nagkabaligtad
ang pilipinas ang naging mayaman
ang pilipnas ang nagbibigay ng ganitong oportunidad
ang pilipinas ang malaki magpasahod
sana hindi na ako nagpapakahirap dito
para akong walang pinag-aralan
na nagmamakaawang bigyan nila ng pagkakataon
na subukan kung ano ang galing ko
na ipamalas ang natapos ko
pambihirang buhay ito oh
tapos ka ng pag-aaral pero parang bale wala

lintik kasing gobyerno meron tayo sa pinas
mga pulitikong ubod ng gagaling
magagaling sa pagnanakaw
kung ganito lamang ang pinas
sana tayo ang magmamaliit sa ibang lahi
sana tayo ang mapagmalaki
kaso wala ng pag-asa na mangyari yun
ni katiting na pag-asa wala
hindi na ko umaasa.,
hindi talaga tayo matutulungan
ng sarili nating gobyerno.,

wala ng PAG-ASA.,

Monday, February 22, 2010

pilipinas kong mahal

passport no. : XX4532588
airline :
tiger airways
flight
no. : TR 2795
bound to: singapore



unang labas ko ng bansa
unang tapak sa banyagang lupa
at dahil medyo pinalad
unang pagkakataon din na sumahod
nang hindi piso ang halaga
maraming karanasang lahat puro una,


masaya ngunit ganun pa man
nakakalungkot isipin
na kaylangan ko pang magpunta dito
para magbanat ng buto at hindi sa sarili kong bayan
na kaylangan pang magpunta dito
ng mga tulad kong si juan dela cruz
para lang makapamuhay ng ganito kakatiwasay
at maibigay ng sapat ang pangangaylangan
ng aming mga mahal sa buhay
nakakalumbay isipin na hindi ganito ang pinas
na kahit saang anggulo mo tignan
walang pagkakatulad
na kahit papaano kong kwentahin
hindi sapat ang sweldong kikitain
para magkaroon ng masaganang buhay
siguro nga mali ako
pero batay sa karanasan ko
yan ang naranasan ko


sobrang layo ang agwat ng pilipinas
na para bang napag-iwanan na tayo
na para bang wala ng pag-asa
na maging ganito din ang bansa natin balang araw
namamangha ako sa mga bagay na nakikita ko dito
kung gaano kalinis, kaligtas at kadisiplinado ang mga tao
dahil hindi ko ito naranasan sa pinas

pero ako pa din ay umaasa
hangga’t hindi pa ganun kalabo ang pag-asa
sana maka-ahon pa ang bansa


ipinagmamalaki kong ako’y dugong pinoy
ngunit ikinalulungkot kong
ganyan ang kalagayan ng aking lupang tinubuan
masakit man sa akin
na ako’y hinubog at natuto sa pinas
ang aking bayang sinilangan
ngunit naglilingkod sa isang banyagang bayan
para lang sa kaunlarang pangako
na hindi ko matatamasa sa pilipinas kong mahal


kung meron lamang sanang giyera
na mapagtatagumpayan sa sariling lupang tinubuan
malamang di ko na kailangan pang lumisan

yan ang isa sa aking mga pangarap
na sana balang araw ay matupad


patawarin mo sana ako aking inang bayan
sa aking paglisan
patawarin mo ako’t ika’y aking pinagtaksilan
ngunit pangako ko AKO’Y babalik upang ika'y paglingkuran

Monday, February 15, 2010

GiYERA

giyera na to
lulusob na ko sa giyerang dapat kong malampasan
dadako na ko sa lugar na ni minsan ay hindi ko pa napuntahan
at lugar na hindi ko pa kilala
wala akong dalang anumang sandata
at wala ding dalang panangga
isa lang ang alam ko
may baon akong malaking utang na loob sa magulang
at isang dibdib na puno ng lakas ng loob
para sa pangarap na gustong matupad

kung meron lamang sanang giyera
na mapagtatagumpayan sa sariling lupang tinubuan
malamang di ko na kailangan pang lumisan
ang kaso wala.,

makamit ko sana ang tagumpay
at mapatunayan kong may mga pangarap ding natutupad

Friday, January 29, 2010

istorya

every story has to start somewhere
has to start sometime
my story begins here
it begins now
new journey
new hope
new dreams
new sacrifices
new trials
bagong umpisa ng buhay
na sanay maging matagumpay

Tuesday, January 26, 2010

sana kayanin ko

handa na ba ako?
yan ang tanong na naglalaro sa isipan ko ngayon
papalapit na ang giyera
na pwedeng magpabago ng buhay ko
at pwede din namang tuluyang magdikta sa isipan ko
na may mga pangarap talaga na hindi natutupad
dati ang buong akala ko
sobrang lakas talaga ng loob ko
hindi pala,
tinatablan din pala ako ng pag-aalala at kaba
habang papalapit na ang takdang panahon
mas lalo akong kinakabahan
pero sana kayanin ko
dahil ito na ang huling bala ko
huling pagkakataong patunayan
ang halaga ng diploma ko

Monday, January 18, 2010

sana.,.,.,.

totoo kaya ang kabilang buhay?
totoo kaya ang buhay na walang hanggan?
sana totoo
at sana, pagdating natin doon
magkakakilala pa din tayo
sana may relasyon pa din tayo sa isat isa
para maka-bawi man lang ako sa mama ko
sa kahit na anong paraan.,
SANA

Friday, January 15, 2010

kagabi

kala ko okay na ako
hindi pa pala
lampas apat na buwan na
nang mawala ang mama
pero mahirap pa din tanggapin
ang hirap pa rin magpatuloy

pumirmi ako sa silid niya kagabi
naghalungkat sa mga gamit nya
mga damit na madalas niyang suotin
mga pabangong paborito niyang gamitin
nakabasa din ako ng mga sulat kamay niya
mga pirmang nilikha sa ibat ibang papeles
na-miss ko yung pagtatanong nya sa akin minsan
kung tama ba ang pwesto ng pirma nya
tumulo bigla ang luha ko
tuloy tuloy na may halong hapdi sa puso
naisip ko ang mga paghihirap ni mama para sa amin
mga paghihirap na hindi ko man lang nasuklian
ang dami kong utang sa kanya na dapat bayaran
ang daming pabor na gusto kong ibalik

masakit pala talaga yung ganito
ang natitira na lang sa akin
ay ang mga huling bagay na narinig at nakita ko sa kanya
mga huling salitang narinig kong binigkas nya
ang tunog ng boses nya na ayaw kong mawala sa pandinig ko
ang huling ngiti na nasilayan ko
na ayaw kong mabura sa isipan ko
bakit kasi isa lang ang buhay ng tao
bakit bigla na lang kinuha ang buhay na pinahiram