Thursday, June 20, 2013

mayET

ikaw ang bahaghari sa aking ulan
ikaw ang liwanag sa bawat gabi
ikaw ang puto ng aking dinuguan
ikaw ang arnibal sa mainit na taho
sago sa aking gulaman
latik sa aking malagkit
you are my niyog sa aking palitaw
ikaw ang dahilan sa bawat ngiti
ikaw ang gabay sa kinabukasan
asukal sa mapait na kape
at kumbaga kay smiggle
"YOU are my precious".,.,.,
hehehe., happy birthday my dear TABA.,.

Tuesday, May 14, 2013

filipinos got talent


sa panahong ang eleksyon sa pinas
ay tila kenkoy at makulay na pelikula
o kaya'y tv game show
tulad ng talentadong pinoy.,.,.
napaisip ako., BOBO nga ba ang pinoy.,.,

akalain mo yun
ang dating nakulong
dahil sa pandarambong
ngayon ay ganap na namang alkalde.,.,
at ang OJT ni papang
ngayon eh isang honorable na senadora.,.,

may pag-asa pa kaya ang pinas?
di ako magtataka
na ang susunod na pangulo ng pilipinas
ay ang pambansang KAMAO
at ang kanyang pangalawang pangulo
ay ang komedyanteng KABAYO

ngunit anu't ano man
masakit man sa kalooban
at sinu't sino man ang mamumuno
kaylangan pa rin nating tanggapin
at kaylangan pa din natin mag move-on

ganyan talaga ang buhay
pilitin na lang natin maging optimistik
hala.,.,., sulong mahal kong PILIPINAS

isa pa
wala naman talaga
akong karapatang magreklamo
ika nga nila.,.,.,.,.,
"reklamo ka ng reklamo,
di ka naman pala bumoboto"

#ipasoksiDICK........... hehehe.,

Monday, April 8, 2013

when kalungkutan strikes.,.,

lima sa pamilya.,.,.,

dapat sanay magkakasama.,.,
sa tuwing selebrasyon ng bawat tagumpay.,
dapat sanay magkakaramay.,.,
sa tuwing may pagsubok na nagbabadya.,.,

lima sa pamilya na nagkahiwa-hiwalay
dahil sa pagkawala ng isa..,
ang nagiisang tanging buklod nila.,.,
ang nag-iisang pinaka gabay nila.,.,

si kuya na nasa silangang bahagi ng isla.,.,
ako na nasa kanlurang bahagi naman
si bunso na nasa lungsod at naghahanap buhay
si tatay na nasa probinsiya't mukmok sa bahay
at si inay na nasa langit na aming gabay.,.,

kailan kaya muling magiging isa.,.,
kailan kaya muling magkakasama.,., :(



Thursday, March 14, 2013

AYderforc0nclude

after 3 yrs.,.,
f*#$%^+ focal.,.,.,

im not happy with my role in the c0mpany anymore
and im not seeing my role to be bigger for the next n^th year
so that also means,  there is nothing for me to expect
especially, some improvement on my compensation

just as the last c0mpany.,., (f%^&#$+ favorites)
im not motivated to work even harder
and i felt that im not growing
and im under utilized with the company

with that said.,.,.,.
im tendering my resignation
and looking to move forward
with other organization.,.,

AYderFORc0nclude.,., whatTHEhell.,.,.,

Friday, February 22, 2013

sa WAKAS

sa wakas.,.,
nasundan din ang blog
kala ko
katapusan na ng pagsusulat
napasarap ako sa number 69
hehehe.,
pang 70 post pa lang kasi ito.,.

sa wakas.,.,.
malapit na maging abot kamay
yung bubuy0g na pula.,.,
sa wakas.,.,
magkakaroon na ng jollibee
dito sa sa singapurA.,.,

pambihira.,
sa tate nga meron.,.,
dito wala.,.,.,

sa wakas.,.,,
makakatikim na rin ulit ng yum burger
tsaka scabetti na pinoy ang lasa..,
wag naman sanang maging curry ang sauce
huhuhuhu.,.,.,

sana wag naman
abusuhin yung presyo.,.,
sana yung presyong kaya mu pang lunukin
yung burger na bibilhin mo hehehe.,.,
naisip ko lang..,
sa dami ng noypi
na sabik kay jollibee.,.,.
hhmmmmmm.,.,, kawawa yung mga magiging store crew.,.,.,
dahil siguradong puputaktihin si jollibee.,.,.
hahahaha..,.,
si jollibee PINUTAKTE.,.,., :)

Friday, November 16, 2012

30tipsapter30yirsoplibing

hindi lahat ng pangarap mo natutupad
minsan kasi iba ang nakatakdang plano sayo ni bro

hindi lahat ng gusto mo magpapasaya sayo
at sa mga taong nakapaligid sayo

huwag mong babaguhin ang sarili mo
kapag nanligaw ka sa babae
dahil kapag naging kayo,
hahanap hanapin nya yung taong pinakilala mo

mas importante sa pamilya mo ung oras mo,
hindi materyal na bagay na binibigay mo

makipagkwentuhan ka sa lolo at lola mo,
sabik na sabik silang magkaroon ng kausap

hayaan mong maglaro ang mga anak mo sa labas,
minsan kailangan din ng tao ng germs sa katawan

hindi lahat ng karunungan
natututunan sa paaralan

hindi lang si edward cullen
ang nabubuhay ng walang hanggan
dahil kahit mawala ka man sa mundo
hindi ka mamamatay sa puso ng tao
kung may ginawa kang kabutihan

huwag mong sunugin ang tulay
na nagdudugtong sayo
at mga kaibigan mo
hindi mo alam
kung kailan ka muling dadaan dito

matuto kang magpatawad
diyos nga nagpapatawad
ikaw pa kayang tao lang

pilitin mong maging kagalak galak sa kapwa mo
dahil hindi mo alam
kung hanggang kailan ang itatagal mo sa mundo
nanaisin mo bang di hamak
na mas maraming matuwa
kapag ikay nawala

bago mo bigkasin ang isang salita
tatlong beses mo muna itong isipin
dahil mas mahirap kalimutan
ang masasakit na salita
kaysa sa mga pasa sa mukha

hindi lahat ng bagay nabibili ng pera
hindi lahat ng mayaman nananatiling masaya

minsan kailangan mo talagang
paghirapan ang isang bagay
para malasap mo
kung gaano kasarap ang tagumpay

bago ka gumawa ng masama sa kapwa mo
alalahanin mo sanang
totoo ang karma at ang impyerno

hindi ka mananalo sa sugal
kung hindi ka naman tumataya
wala kang mararating
kung hindi ka marunong sumubok

gawing kaugalian ang pagbabasa
hindi tumatanda
ang taong busog sa kaalaman

hindi magandang opsyon
sa buhay ang pagsuko
ngunit minsan may mga bagay din
na kailangang isuko
at hindi kaduwagan ang tawag dun

hindi kabayaran
sa iyong mga kasalanan
ang paggawa ng kabutihan
sino ka ba sa tingin mo si robinhood

okay lang na magkaroon
ka ng singko sa trankrip mo
ang mahalaga ay nagpursige ka
at tinapos mo

hindi katalinuhan
ang pagiging tuso
at panlalamang sa kapwa mo

ang pag-aabot ng konting barya
sa magulang
tuwing panahon ng sahod
ay hindi obligasyon
pagpapahalaga ang tawag dun

ibat iba ang dahilan ng tao
sa mga desisyong pinipili
kayat kung anut anu ka man ngaun
resulta yan ng mga desisyong pinili mo
huwag mong sabihing di ka nagkaroon ng choice

ginto ang edukasyon
mas maningning ang kislap nito
kesa sa pera
ito lang ang tanging sandata mo
pumailalim ka man sa gulong ng buhay

ano man ang nangyari sa nakaraan
tapos na yun
subukan mong bigyan 
ng pagkakataon ang bukas

iwasang magdesisyon
kapag mainit ang ulo
dahil malamang sa alamang
pagsisisihan mo ito

ipamalas mo palagi
ang iyong matatamis na ngiti
tandaan mong yan ang nagbibigay
ng kulay sa buhay

mahalin mo ng sapat at parehas

ang iyong mga magulang
wala silang ibang hangad
kundi ang iyong kabutihan

may dahilan ang lahat
ng pangyayari sa buhay mo
kaya nga minsan

kailangan mo munang madapa
para matuto kang bumangon

may tamang oras at panahon
ang lahat ng bagay
huwag kang mawawalan ng pag-asa
darating din yung panahon mo.,.,. :)

Wednesday, October 3, 2012

hayskul layp


sa akin wag sanang magalit
mga taong aking binanggit
kung sakali mang inyong ikagalit
sa muling pagkikitay, please pakikurot ako sa singit

labing tatlong taon ang nakalipas
ng pagtatapos sa ANHS ay maranas
sa graduation malamang luha mo ay tumagas
simula noo'y tinahak magkakaibang landas

buhay sa mataas na paaralan
walang humpay na tawanan
punong puno ng kalokohan
napakaraming kabulastugan
kaysarap muling balik balikan

tanda nyo pa ba
nung si torres pinatayo sa lamesa
sa kadahilanang hindi ko na maalala
ng ating butihing gurong si borja
itong si torres tawa pa ng tawa

ang umagang klase sa values education
na sapilitan ang recitation
at ang dalagang si bucu ang guro
na laging pambungad na tanong sayo
"anong masasabi mo may darling ko"
hayun si dayao tuloy
sa kaba napasagot ng "palaboy"

kay romero ikay pinaguhit
dahil walang talento, likhay halatang pilit
ibat ibang mapa iyong iginuhit
mga kabisera sa utak nagpalit palit

eh ang sulat kamay ni tamayo?
na madalas kinokopya mo
sa hinihiram mong kwaderno
at sa laki, naku ang xerox nagiging doble ang presyo

si papa Dom tuwing magrerecite
ikay magtataka pag pinagmasdan
pinamalas na sagot ay tumpak naman
ngunit doon sa kisame parang nakasulat kasagutan

yung kutilyong ginanap duon sa plaza
malamang buhay pa din sayong memorya
pagkat nooy inlab na inlab ka
at kilig na kilig sa iyong kapareha

eh ang ryan, karenn maristel na lambingan
di bat parang melodramang walang katapusan
walang humpay na patalbugan
buti na lang nauwi sa patawaran at pagkakaibigan

sa asignaturang filipino
di ko alam kung maiiyak o matatawa ako
pagpasok ko umiiyak bigla si dumbo
yun pala pinaiyak ng isang  mercado
nagpanic buong klase, mga bintana sinarado

kaibahan ng pormal at di-pormal na katha
alam mo ba, kung tatanungin ka?
dahil ito lang ang aking tanda
katha'y naging eroplano’t pinalipad ni vergara
sabay sinabihan kang tumalon sa bintana

naalala nyo din ba
ang kwelang kaklaseng si nino calma
ngayon nagbebenta na ng bahay at lupa
sa mga asensadong taong tulad niya
sana ako di'y magkapera
upang bahay at lupay mabili sa kanya

at si bonus na klasmeyt natin
sa klase ni villapana
na sa pagsusulit bonus lang ang itinama
ibang klase, walastik pambihira
nakapasay di ko alam kung pano nya nagawa

maging guro si perez di ko man naranasan
maging guro si sablan di ko pinagsisisihan
sa kanya’y wala man akong natutunan
yahoo, ang klase ko'y parang vacant naman

tiyak ako di nyo din malilimutan
ang pambihirang memorya ni binibining galang
na talaga namang sa rebyuhan ay maaasahan
ngunit parang sumasablay pag totohanan

sa mga student journal na binebenta ni baluyot
di alam kung matutuwa o mapupoot
pambili’y galing sa baong si nanay ang nag-abot
ibat ibang karunungan iyong mapupulot

si manananggol constantino
wag mong lokohin at daanin sa biro
pagkat ganap na ngayong abogado
at biruin siyay baka mauwi sa kalaboso

pinagsamahan natin sa loob ng apat na taon
hinding hindi mo maikakahon
kung maibabalik lamang ang panahon
magiging masaya ka't aayon

labing tatlong taon mula noon
sana naman magkaroon ng reyunyon
pagkat parang panahon pa ng hapon
buhat nung huli tayong magtipon.